Chapter 26 Ravena Sumama ako kay Joanna, sa bahay niya sa Cavite. Nakapundar siya habang nasa barko siya ng bahay, samantalang ang mga magulang niya ay nasa probinsya naman kaya mag-isa lang siya dito sa bahay niya. Ayaw daw kasi ng mga magulang niya tumira dito sa Manila. "Ano na ang plano mo ngayon?" tanong nito sa akin habang nagkakape kami. "Hindi ko pa alam. Ayoko na rin bumalik sa cruise ship. Siguro magtatrabaho na lang ako hanggang sa makaipon ako at makapagsimula ng negosyo," sabi ko kay Joanna. "Bakit hindi ka na lang sumama sa akin bukas? Pupunta ako sa agency sa Makati. Maghahanap ako kung ano ang bakanting trabaho na pwede kong pasukan sa ibang bansa at kung anong bansa ang available," alok pa sa akin ni Joanna. "Ayaw mo na rin bang bumalik sa cruise ship?" tanong ko

