Chapter 37 Ravena Pagkatapos namin kumain ni Elias, umakyat na kami sa itaas. Binuksan niya ang isang silid na nakarap sa gate. Bumungad sa akin ang king size na kama na may sapin na kulay puti. May dalawang bintana sa silid na ito na malalaki. Mula sa ceiling ang kurtina nito na kulay gray na tatluhan at isang kulay puti sa gitna. Mayroon din itong walk in closet at may malaking tv. May sofa at nakasalansan ng maayos ang mga gamit niya. "Ito ang silid mo?'' tanong ko kay Elias, habang inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng silid na ito. "Silid nating dalawa,'' nakangiti niyang sabi sa akin at binuksan ang isang bintana. May pintuan din patungo sa terrace. Ang lawak ng kaniyang silid. "Ang mga damit mo ipalagay ko na lang kay Manang Soledad sa cabinet diyan sa walk in closet.

