Inatras ni Kiel yung kabayo. "Bakit?" Tanong ko. "Mamaya na tayo bumalik dun kapag umalis na Kuya mo." "Bakit? Natatakot ka na kay Kuya ngayon diba sabi mo hindi ka natatakot sa kanya at close kayo." "Basta". Sagot lang niya. Paglingon ko sa likod nakasunod samin si Marc at Bea. Nasa iisang kabayo lang sila. "Bro yari ka nasa likod si Dexter." Sabi ni Marc na parang nang aasar. Nilagpasan nila kami. "Pustahan tayo hindi magkakatuluyan yang dalawa." Sabi ko kay Kiel paglagpas ng dalawa. "Eh diba may marriage agreement na si Marc sa ibang girl. " sabi ni Kiel. "Kung ako yan hindi ako papayag sa ganun". Sambit ko. "Wala siyang choice eh para sa business nila yun." Sabi ni Kiel. Paglingon ko sa likod nakasunod samin sila Kuya. Nakasakay din sila ni Leslie sa isang kabayo. "Potah ka

