Samantala mag iisang linggo na mula ng maganap ang komprontasyon ni Lucia at Franco! Tila sinunod naman ni Franco ang pakiusap ni Rhea na hayaan na muna nito si Lucia! Isang linggo ring nagpakaabala si Lucia sa kompanya!gusto niyang ituon ang isipan nito sa trabaho para kahit papano mawala ang sakit at bigat na nararamdaman nito! ~~~~ Pinagbigyan ni Lucia ang paanyaya sa kanya ni Alex na sumama sa isang event na pupuntahan nito! Mag aalas onse ng gabi ng maihatid siya ni Alex sa bago nitong tinutuluyang condo!lumipat si Lucia pagkatapos ng komprontasyon nila ni Franco! "gusto mo ba munang pumasok sa loob?---ipagtitimpla kita ng kape---"si Lucia kay Alex! "I like that----pero hindi na siguro-----alam kong pagod ka at maaga ka pa bukas---kaya sa susunod na lang----pupuntahan na lang k

