Isang linggo na ang nakalipas simula nang matapos ang birthday ng nanay ko. Bumalik na rin sila mom at kuya sa Manila, at si Akki wala talaga yata sa katawan noon ang pagiging gentleman pagdating sa akin. Puro pahirap ang ginagawa niya sa akin. Sa loob ng isang linggo, pinagsaka niya ako, pinaglaba, pinaglinis ng bahay, pinag-igib, namalengke, at iba pang gawain na never ko pang nagawa at never ko pang na-imagine. Wala yata talaga awa 'yon sa akin, naging mas malala pa nga siya, kaya naman pag-uwi sa bahay tulog agad ako. At sa tuwing umaga naman ay siya ang nagsisilbi kong alarm clock, at ang mokong na 'yon inaraw-araw niya ang pang bwi-bwisit sa akin. Ewan ko ba at hindi siya tablan nga alindog ko, kakaiba talaga siya. At sa totoo lang na-cha-challenge ako sa kanya, kasi ba nama

