Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko 'yon sa may side table ko at ni-loud speaker ko bago ilagay sa kama habang nakaupo at nagsusuot ng heels ko. "Yes?" Tanong ko. "Zana babes, let's go out," sabi ng kausap ko sa cellphone ko. "May ime-meet akong client ngayon, mamaya na lang," sabi ko matapos ko masuot 'yong heels ko. "Okay, sunduin kita gusto mo?" Tanong niya. "Hindi na dadalhin ko ang kotse ko magkita na lang tayo, sige na Zander malalate ako ba-bye, love you," sabi ko sabay patay ng tawag niya. Dali-dali kong sinuklay ang buhok ko na basang-basa pa at lumabas ng condo ko. Malalate na talaga ako sa meeting 'ko sa client ko, 'yon pa naman ang unang client ko. Oo, client ko ang ime-meet ko. Ilang taon na nga ba ang lumibas simula ng umalis ako rito sa Pilipina? It's been five

