CHAPTER 8: TUESDAY AND WEDNESDAY

861 Words
Nagising ako ng di ko alam ang oras pero isa lang ang sigurado ko—gabi na dahil mula sa pagkakahiga ay nasilip ko sa bintana na madilim na. Pagkagising na pagkagising ko ay si Jeremy agad ang pumasok sa isip ko. Iniisip ko na dunating ba siya? Nakita na ba niya yung anak namin? Anibg naging reaksyon niya nang makita ang anak namin? Nanlaki ang mata ko nang may natutulog pala sa tabi ko habang hawak ang kamay ko. "Jeremy" panggigising ko sa kanya. Ilang beses kong niyugyog ang balikat niya hanggang sa magising. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang mukha niya. "I'm Calyx not Jeremy" aniya habang kinukusot pa ang mga mata. Medyo may bakas ng inis ang boses niya sa sinabi pero hindi ko na lang pinansin. "Sorry. Pumunta na ba dito si Jeremy?" nahihiya kong tanong matapos na mapagkamalan ko na siya ay si Jeremy. "Pumunta siya dito kanina pero tulog ka pagkatapos nun ay umalis na rin kasi wala daw kasama si Ysabella at si Faye." Napatangi na kang ako sa sinabi niya. Gusto ko na namang maiyak pero pinigilan ko. Ngayon alam ko na ang gagawin. Kung ano ba ang desisyon ko sa pagitan namin ni Jeremy. Nakapagdesisyon na ako na ipapaubaya ko na siya kay Ysabella. Kung doon siya masaya ay hindi ko na siya pipigilan. Ako lang din naman ang masasaktan kapag pinilit ko ang mga bagay na alam ko hindi na pwede. Tinulungan ako ni Calyx na makaupo. "Hindi ka ba nagugutom?" Umiling ako. "Gusto ko makita ang mga anak ko." malungkot kong sabi dahil inaasahan ko talaga na nandito si Jeremy. Kinuha niya ang wheel chair at tinulungan akong makasakay dun. Nang makarating kami sa Nursery Room ay inalalayan ako ni Calyx sa pagtayo. May dalawang nurse naman na nakabantay at nagaalaga sa mga anak ko. Napatingin ako kay Calyx na masaya ring nakatingin sa mga anak ko. Hindi ko alam kung paano ko mapapasalamatan si Calyx sa lahat lahat dahil hindi sapat ang mga salita sa mga ginawa niyang pagtulong. Pinunan niya ang pagkukulang ni Jeremy sa akin. Sambit ko sa isip. Mula sa pagbubuntis at sa pamimili ng mga gamit rito sa nursey room hanggang sa manganak ako ay si Calyx ang nasa tabi ko at walang Jeremy. Si Calyx na alam kong kahit galing sa trabaho ay pilit akong inaalagaan. Si Calyx na naandyan at tinugunan ang pangangailangan ko. Si Calyx na hinihiling ko, na sana siya si Jeremy. Hindi ko pa man sila nahahawakan pero napaluha ako sa sobrang saya. Hindi ko pa maggawang buhatin sila dahil masyado pa akong nanghihina kaya hanggang tingin na lang muna ako. Hindi na ako makapaghintay na buhatin sila. Wala pa man ay na-i-imagine ko na kung paano ko sila titimplahan ng gatas, patatahanin sa pag iyak at ang pagsubabay sa kanilang paglaki. "Siya nga pala tinatanong ako kanina kung anong ipapangalan sa kanila." "Anong araw ngayon?" tanong ko sa kanya. "Wednesday" nagtataka niyang sagot dahil ang layo ng tanong ko sa sinabi niya. "Tuesday and Wednesday...iyon ang gusto kong ipangalan sa kanila." sabi ko at naupo na muli sa wheel chair. Ang araw na ito ang hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko. Muli niya akong itinulak pabalik sa kwarto. Naupo ako sa kama habang siya naman ay abala sa pagbalat ng prutas para sa akin. "Dito na kayo tumira." sabi niya nang maiabot sa akin ang prutas na binalatan Sariling bahay ito ni Calyx at pinatuloy lang niya ako rito habang nagbubuntis dahil masyadong masikip daw sa unit ko at hindi ako mababantayan. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya pero sobra sobra na ata na pati kami ng mga anak ko ay makikisiksik dito. "Hindi na, kasya naman kami sa unit ko. Tsaka sobra sobra na itong ginawang pagtulong mo sa akin. Maraming salamat na lang." sabi ko pa. Hindi na siya nagsalita at buti naman ay naintindihan niya ako. Ayokong maging pabigat sa kanya lalo nat may kumoanya siyang inaalagaan. Tsaka dapat si Jeremy ang gumagawa ng laraan para sa amin pero heto't missing in action siya. Bago muli ako magpahinga ay may nagfill up ako sa isang papel na inabot niya sa akin at para yun sa pagregister ng pangalan ng anak ko. Isa lang ang masisiguro ko ngayon, na bibigyan ko sila ng maayos na buhay sa abot na makakaya ko kahit walang tumayong ama sa kanila, kahit wala si Jeremy. Simula ngayon ay kailangan kong tanggapin na ako na dapat ang magpaubaya sa mga bagay na wala naman akong kalaban laban. Ito nga ata yung sinasabi nila na hindi sapat ang pagmamahal para manatili sa isang tao lalo na't kung nasasaktan ka na. Pinapaubaya na kita Jeremy bulong ko sa sarili bago ipikit ang mga matang minsang napagod sa pagiyak ng dahil sa kanya. Bigla naman akong nakaramdam ng paglapat ng labi sa noo ko at alam kong si Calyx iyon. "You will be a great mother." rinig ko pang sabi niya dahil mababaw pa lang ang pagkakatulog ko. Sa isip isip ko ay hindi ko na naiwasan ang mapangiti sa kanyang ibinulong. I will be a great mother. Sambit ko sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD