Sampung buwan pinaghandaan ang kasal namin ni Jeremy, at sa lahat ng yun ay siya ang nagasikaso. Ni hindi niya ako inabala kahit isang beses dahil alam niyang mahal ko pa rin si Cakyx pero hindi niya lang sinusubukan na kausapin tungkol roon. May mga araw naman na sumasama ako sa kanya tulad ng pagpili ng motif ng kasal mga pagkain naihahanda sa reception at flavor ng cake. Ang mga ibang asikasuhin ay siya na nagasikaso. Ramdam ko na nasasaktan siya dahil para bang wala akong pakialam sa kasal pero anong gagawin ko? Mahal niya ako pero mahal ko si Calyx. At eto na nga...Araw ng kasal namin ni Jeremy. Sa pagkakataon ito ay dapat tanggapin ko ng kahit anong gawin ko ay imposible ang lahat para sa amin ni Calyx. Susubukan ko na wag munang isipin si Calyx ngayong araw ng kasal namin ni Jer

