Kabanata 36 "Bakit hindi niyo pa nilahat, tsk," Mako leered. Oras lang pagtapos ng libing noon ng mga Solasta at Levesque ay napagplanuhan na agad ng dalawa ang gagawin sa mga Caceres. Halos ubusin ni Lucien Levesque at Azria Solasta ang mga Ceceres. Pati na ang Cruor ay hinanap nila. Pero gaya ng ginawa ng mga Caceres sa kanila, nagtira rin sila. Pinabayaan nila ang mga bata, si Savanna at Adriana. "Gusto nila ng ganoon, pinagbigyan ko lang," nagkibit-balikat si Lucien. Sumandal ako sa upuan at napaisip saglit. Iba ang inakala ko sa babala ni Nyx. Nagkamali roon, mahina akong napamura. Apat na araw na kami rito sa Santuario. Nailibing na rin ang katawan ni Lola. At hanggang ngayon, wala kaming makita na ebidensyang nagsasabi na mga Caceres na naman ang may gawa nito. "Maybe the C

