Master Morley POV "Sigurado ka bang dito ang bahay kung saan lumaki 'yong babae? Si Amythyst Lee?" tanong ni Freya sa 'kin at ibinaba ang belong tumatakip sa matanda niyang itsura, habang sumisilip sa siwang ng gate, kung saan matatanaw ang magarang bahay na peach ang kulay. "Hindi naman siguro tayo magkakamali kasi ito lang ang bahay na medyo malapit sa gubat na daanan natin, kung saan nasa likod lang ng bahay nila." sagot ko. Nasabi kasi sa 'kin ni Amythyst na naligaw siya noon sa isang gubat. At duda ako na dito lang sa subdivision ang bahay na tinutuluyan niya. Nakita kong lumabas ang isang dalagang babae dala ang kanyang laptop at pabagsak na umupo sa sofa na nasa balkonahe nila. Halatang pagod ang babae dahil sa itsura nito na gusot ang buhok. Tatawagin ko sana ito pero nahagi

