Morphene POV Unti-unting humina ang abilidad na taglay ni Amythyst dahil naging tahimik ang na paligid. Nilingon ko ang anak ko na si Zed na noon ay patuloy parin sa pakikipaglaban. Alam kong nahihirapan na ito dahil marami ang mga warriors. Isa pa ay nabuwal at nanghihina na si Amythyst nang patigilin ko siya sa paglabas ng kapangyarihan niya. "Patigilin mo ang mga warriors, Charles," utos ko kay Charles. "At bakit ko patitigilin? Wala kang karapatan para utusan ako dahil isa silang mga taksil sa akademya na ito," galit na sabi ni Charles. Sumikdo ang puso ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya nang deritso. Ganito na ba talaga ito kasama? Na kahit sarili niyang anak ay hindi niya kayang kilalalanin? Kahit sa simpleng lukso nang dugo ay hindi niya man lang nakikilala na

