Amythyst's POV Tinatahak na namin ang mahabang tulay kung saan sa gitnang bahagi niyon ay may dalawang daan. The left bridge and then the right bridge. Napatingin ako sa ibaba, isang napakalinaw at banayad na tubig kitang-kitang ang repleksyon ko sa tubig. Para bang isa itong salamin. Kitang-kita namin sa ilalim ang mga makukulay at kumikinang na mga bato na doon ko lamang nakita sa lugar na iyon. Nakahanda na ang mga headset sa tenga namin na siyang gagamitin namin once nagsimula na si Huldra tumugtog ng mapanlinlang niyang musika. "Master Zed, wala bang ibang pwedeng gawin kapag nagpatugtog na si Huldra ng flute niya kundi ang takpan ang mga tenga natin nito?" tanong ni Sloane sa kanya habang hawak ang headset. "Oo, wala akong ibang nakalap na impormasyon na pwede nating ipanlaban

