Plan Nine

2542 Words
Plan Nine Her Plan Si Savier ang nagpaligpit sa naging kalat ko kanina sa theater studio. Nakaabot kay Rey ang nangyari, sigurado ako ro’n, pero hindi ako nagkaroon ng tsansang makipag-usap sa kanya. Ayaw ko rin namang bumaba’t umalis sa rooftop para puntahan siya. Bumuntong hininga sko. My life is so messed up. Parang wala na yatang ibang bagay pa na pwede kong gawin para lalong gaguhin ang buhay kong ito. Minsan naaawa na lang ako sa sarili ko. Para na akong robot. Walang goal, walang gustong magawa, walang gustong patunguhan. Sunod lang sa lahat ng galaw. Itinutulak lang ng pagkakataon. Ni hindi ko sinusubukang lumaban. Nasaan ang buhay? “Tumigil na kayo.” Naramdaman kong tumigil sila kasabay ng paghinto ko sa paglalakad. Sa isang pitik lang ay napaliligiran na ako ng napakaraming naka-gray na lalaki. Men in gray? Nakakatawang outfit. Tumiim ang bagang ko. Hindi sila titigil. Ayaw talaga nilang makinig! Kanina’y sa loob ng Ashton. Ngayon namang nakalabas ako ng eskwelahan, pineperwisyo pa rin nila ako. Ano bang nagawa kong kasalanan sa mundo—no pun intended para sa syam na buhay na kinitil ko—para mangyari sa akin ang lahat ng ito? Damnit! “Ano bang gusto n’yo? Hindi na kayo nakakatuwa, ah!” “Sumama ka na lang ng tahimik.” “Ulul! Anong tingin mo sa ‘kin, tanga? Kilala mo ba ko? Kilala mo ba talaga kung sinong pinahahabol sa inyo ng Emperor n’yong ang lakas ng tama sa utak?” May ibang tumitingin sa mga katabi nila. Para bang nagtatanong. Doon pa lamang ay alam ko nang wala silang ideya kung sino ako para kay Gino. He wouldn’t tell them. Una, siguradong nahihiya siya. Pangalawa, masyadong mapanganib na ipaalam sa iba kung sino talaga ako. Sa dami ng bounty hunters na nagkakainteres sa patong sa ulo ko, aba eh hindi niya talaga sasabihin ‘yon. Bilyon na ang nakapatong sa ulo ko. He wouldn’t risk my name that easy sa mga taong hindi niya pinagkakatiwalaan. That’s the main reason kung bakit si Rey ang pinapunta niya para kunin ako. Because he trusted my mentor that much na halos hindi na nga niya naisip na maaari kong ilipat ang loyalty ng bayaw niya sa akin. “Kalimutan n’yo na. You wouldn’t even dare to fire at me. Paniguradong magagalit ang Emperor n’yo kapag nasaktan ako.” Hindi naman totoo ‘yon pero hindi naman nila malalaman, hindi ba? Nakatanga sila. Parang nag-iisip pa rin. Tumalikod ako, nagsimulang maglakad. Pero agad-agad din akong tumakbo dahil malamang naman magigising sila at magsi-sink in sa kanila ang sinabi ko. Nakalayo na ako nang mapansin kong humahabol nga sila. Matawa-tawa ako sa isipan ko. Hindi nga yata titigil ang mga ito.  “Miss Heather! Sumama na kayo sa amin!” I flipped them the bird. “Ulol! Manigas kayo!” Umakyat na ako ng bakod, tumalon sa lahat ng trash can na madaanan, tumawid sa gitna ng mga sasakyang nagkakarerahan sa highway, tumakbo sa gitna ng mga baklang nagchi-chikahan tungkol sa mga klosetang bading sa showbiz, nadaanan ko na pati ang mag-syotang nag-aaway dahil sa taeng naiwan sa toilet bowl. Pero gano’n, eh. Nakasunod pa rin sila. Pero okay na rin. Nahati naman ang bilang nila. Now where should I go next?   His Plan “T’saka kailangan ko rin pala ng mga lotion, bibigyan ko pati si Maryan, ‘yong cream din para mabigyan ko si Maryan, nga pala ‘yong cell phone, walang cell phone si Maryan, ano pa bang wala kay Maryan? Ay ‘yong isang—” Kumunot ang noo ko. “Ren, pwede bang tigilan mo na ‘yang kaka-Maryan mo?” Nakakabingi kasi! Naririndi na ako! Maryan ng Maryan. Kinakalimutan ko na nga, Maryan pa rin ng Maryan! Agh! Narinig ko ang pagtawa ni Xena sa likuran namin. Kanina pa ‘yan simula nang tumuntong kami sa Emerald. Pakiramdam ko gusto lang niyang mang-asar, eh. Alam niyang naririndi ako sa pangalan ni Maryan. Anak ng tupa naman kasi ‘tong si Renee, Maryan ng Maryan. Kanina pa ‘yan. “Hindi ka ba mabubuhay ng kahit isang segundo lang na hindi lumabas sa bibig mo ‘yang pangalan ni Maryan?” Her face fell. “Gusto ko lang siyang ibili ng mga gamit.” “There’s that goddamn dean who can do that for her.” Huminto siya. Maang siyang tumingin sa akin. Mayamaya ay napangiti siya na parang ewan lang. “So confirmed? Sila talaga ni Mr. Ashton?” Tumiim ang bagang ko. Naalala ko na naman, pambihira! Kinikilabutan talaga ako. Parang gusto kong sapakin si Sir kapag naaalala ko ang nakita ko noong isang araw. “Manahimik ka. Nakakadiri silang dalawa.” Nakunot ang noo niya. “Ano namang nakakadiri roon, Savier? Gwapo naman si Sir. Malakas ang karisma. Bagay naman sila ni Maryan. Mukhang mahal naman nila ang isa’t-isa. Isa pa they’re trying hard naman not to be so blatant about their relationship. Wala namang favoritism na nangyayari sa school, hindi ba?” Nasusuka ako sa naririnig ko. Gaano na ba katanda ang Dean na iyon? And Yan, just how old is she? Kailan pa ba bumaba ang taste niya sa mga lalaki? Nakakainsulto lang. Dapat ang ipinapalit niya sa akin eh mas hamak na gwapo pa hindi ‘yong ilang taon ang pagitan nila sa edad. “Hindi ako naniniwalang pagmamahal ‘yon. That’s too melodramatic to be Maryan.” “Sinasabi mo lang ‘yan. Hindi mo naman kilala si Maryan. I think it’s love.” “Magkaiba ang love sa lust.” “Hey, that’s just not right. Wala kang karapatan na husgahan si Sir, Savier. You don’t even know him.” Sumimangot ako. “Shut up, woman. Why do you even bother defending that douche?” at bakit ba ako nag-aabalang makipag-usap sa babaeng ito na ang topic namin ay sina Maryan at ang gurang niyang boyfriend Waste of time and waste of my damn saliva! “Xena, sa tingin mo ano pa bang pwede kong ibigay kay Maryan?” baling niya kay Xena na ikinainis ko lalo. “‘Yang face powder siguro na hawak mo. O kaya, one of those things you put under your eyes. You know… err… I don’t know what you call it but—” “Hindi siya gumagamit no’n.” Sabad ko. Napatingin sila sa akin. Natigilan ako. s**t. Bigla na lang kasing lumabas sa bibig ko. Napalunok ako. Nakita ko pang nang-iinsulto ang mga ngiti ni Xena samantalang si Renee naman ay nakakunot ang noo. Pambihira. “A-Ano ba? She doesn’t look like she uses those kind of things. M-Masyado siyang simple,” lintek, bakit ba ako nauutal? Nagpapaliwanag lang naman ako! “Masyado siyang ordinaryo.” Mukha namang na-satisfy si Renee sa sagot ko ngunit si Xena’y nailing lamang. Bumuka ang bibig ko para sana sitahin siya nang may kung anong pumukaw ang atensyon ko. Hinila ko ang braso ni Renee na nagpatigil sa kanya sa paglabas. Gulat siyang napatingin sa akin. Tumikhim ako, inaalis ang pagkabiglang bumibikig sa aking lalamunan. “Can you go home alone?” Kumunot ang kanyang noo. “Huh?” Tumingin ako kay Xena. Ang alarma marahil sa mga mata ko ang nagparating sa kanya ng mensahe. Walang pag-aatubiling kinuha niya si Ren sa akin saka tumango. Mabilis akong tumakbo para masundan si Maryan na karipas din ang pagtakbo kasunod ang mga lalaking naka-abong suit na sige sa paghabol sa kanya. “Yan!” sigaw ko nang malapit na ako sa kanya. Lilingon pa lamang sana siya nang hinila ko ang kanyang braso papasok sa Pink Box. Natigilan ako. Anak ng tokwa. Puro pambabaeng accessories naman ang nandito. Puro kulay pink pa. Eh galit na galit pa naman si Maryan sa pink. Natigilan ako sa reyalisasyong iyon. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ako. Pero lalong lumaki ang mga mata niya nang ma-realize niya kung nasaan kami. Oh well. Hindi ko naman kasalanang dito ko siya nahila. Hindi ko naman sadya iyon. “f**k you. Get me out of here.” She whispered in gritted teeth. Napatawa ako. “Relax, babe. Lalabas din tayo. Palampasin muna natin.” Tinitigan niya ako ng matalim ngunit hindi na nagsalita pa. Napailing ako. Halikan ko kaya ‘to? Siya na ‘tong tinutulungan siya pa ‘tong nagtataray. Kung hindi nga ba naman talaga malakas ang sira sa ulo. Hinila ko kaagad siya palabas ng Pink Box nang makita kong nagsilagpasan na doon ang mga humahabol sa kanya. Tumakbo kami palabas ng Emerald. Tangna naman kasing ang dami palang naghahabol sa kanya kaya na-ispatan din kami sa labas. “Paksyet naman, Cloud, ba’t ang daming humahabol sa’yo?” “Tinatanong pa ba ‘yan? Aba s’yempre maganda ako, eh.” At mapang-asar pa niyang winagayway ang kanyang buhok. Naikot ko ang mga mata ko pataas. Talaga naman. Lakas ng ere. These are probably Mafia’s assassins. O baka naman mga mababang uring tauhan. Ito na yata ang pinaka-malas na pangyayari sa buong buhay ko. Being chased by those guys. Pakipaalala nga kung bakit ako nadamay dito? “Hanggang d’yan na lang kayo.” Maangas na sabi ng isa na ikinasimangot ko. Samantalang ito namang si Maryan ay may gana pang ngumisi at mangutya. “Wahaw pang-movie ka, kuya.” Nakuha pang magbiro. Ano bang klaseng babae ‘to? Bumaling ako sa kanya. “Yan. Anong gagawin natin?” Tumaas ang kilay niya. “Seryoso? Tinatanong mo sa ‘kin ‘yan?” “Problema mo ‘to sa pagkakatanda ko. Nadamay lang ako.” Bumitaw siya sa pagkakahawak ko pagkatapos kong sabihin iyon. I looked at her. Balik na naman sa pagiging cold at blangko ang itsura niya. Seryoso talaga ‘yang sakit niyang ‘yan. Lumala pa nga ata kesa noong huli ko siyang makita. If only curable lang ‘yan. Hinarap niya ang padami ng padami na mga tauhan ng Mafia na nakapaligid sa amin at nakapaikot. Ah s**t. How are we gonna get out of this mess ng walang nakukuhang atensyon mula sa mga tao? “Alam n’yo ba kung bakit nahulog si Jack sa nursery rhyme na Jack and Jill?” Lahat napakunot ng noo nang dahil sa kanya. Maski na ako. Ano na naman bang kinalaman ni Jack at ni Jill dito? Pati ang nananahimik na nursery rhyme idinamay pa. “Hoy. Ano bang—” Nagtaas siya ng kamay upang senyasan akong manahimik. Nalukot ang mukha ko sa pagsimangot. Ano bang binabalak niyang gawin? May ibang nag-mumble ng actual song, trying to figure out kung may nakalagay na rason kung bakit nahulog si Jack sa Jack and Jill song. Sa pagkakatanda ko’y wala namang nakalagay na eksplenasyon doon. Basta’t nahulog siya sa bundok, sumunod si Jill. ‘Yon na ‘yon. And then in the brink of thinking, Yan pulled a knife from her pocket and slashed a man’s neck then snatched the gun away na ikinapitlag ko rin. She fired towards the three front men na agad humandusay sa kalsada. Mabilis na naglabas ng baril ang mga natira’t itinutok sa amin. Napaatras ako. Kinakapa ko na ang baril ko sa likuran nang matigilan ako sa ginawa ng aking katabi. Itinutok niya sa kanyang sentido ang hawak niyang armas. Napamura ako at may parte sa aking kumabog at nanginig. “s**t, Yan!” “Hindi n’yo naman siguro ako maipiprisinta sa Emperor n’yo na walang buhay, hindi ba? Mas malaki ang tsansang mapatay niya pa kayo.” Knowing Dagger’s reputation, hindi naman malabo iyon.  “Miss Heather… u-utang na loob, h’wag n’yong gagawin ‘yan.” Nababakas ang panic sa himig noong nasa unahan. Right now, nakikisimpatya ako. Natatakot din kasi ako sa ginagawa ni Maryan. I stared at her in disbelief. Hindi na siya ang kilala kong Yan-yan. Oo, alam kong may problema siya sa utak. Alam kong alexythimic siya pero hindi naman siya ganito dati. There’s a part of her that looks haunted. That seemed dark. Na para bang kapag hinawakan mo siya’y lalamunin ka ng kadilimang iyon. Maryan used to be the light of Resistance. Kahit alam niyang ilegal ang kanilang ginagawa, pinipilit niyang bawiin iyon sa maliliit na bagay. Mabait siya. Kahit mahirap siyang intindihin, mahirap siyang pasiyahin, walang problema. Gusto niyang gumaling. Gusto niyang maging normal. Pero ngayon… What kind of monster did she turned into? “Ibaba n’yo ‘yang mga baril n’yo. And maybe, I’d think of doing the same thing.” Walang gumalaw. Naningkit ang mga mata niya, malinaw ang ekstrang puwersa na inilapat niya sa daliring nakapasok sa trigger. Nagimbal ang sistema ko. Tarantang tumingin ako sa mga lalaki’t ‘di sadyang nabulyawan sila. “Damn it, just put the guns down! Now!” May mga nagbaba. Tinignan ko ang kamay niya. The force was still there. Natatakot akong madulas siya’t mapindot ang gatilyo. “Yan, put it down. Please.” “Noong bata ako, ikinuwento ni Gino sa akin ang tungkol sa magkapatid na si Jack at si Jill. Ang sabi niya, itinulak ni Jill si Jack sa bundok.” Okay, what the hell is she trying to tell us? Nababaliw na ba talaga siya? “Naiinggit daw kasi si Jill sa korona ng kanyang kapatid. Unfortunately, Jack broke his crown. And out of frustration, Jill followed and killed herself.” What the hell? Sinong matinong tao ang nasa sarili niyang pag-iisip na mag-iimbento ng gano’ng karumal-dumal na kwento? For heaven’s sake, it was a nice nursery rhyme for kids not a morbid psycho story for retards! “Now, go away.” Sa puntong iyon ay eksaktong dumating si Xena dala-dala ang kotse ko. I looked at Maryan. Tinanggal niya ang kanyang daliri sa gatilyo ngunit hindi ibinaba ang baril. Kumuyom ang palad ko. Ano pa bang gusto niya? “Maryan. Halika na, utang na loob.” Ngumisi lang siya ngunit nagpahila sa akin. Before she closed the door, a gunshot was heard. Pinaputukan niya sa ulo ang isa sa mga ‘yon. Xena, known racer that he is, mabilis kaming nakaalis mula roon bago pa man nila kami mapaputukan. “Who says Jack and Jill are only for kids?” nakangising usal na katabi ko na para bang hindi man lang nababahala sa ginawa niya. Kinakalas niya ang magasin ng baril nang balingan ko siya. Binibilang niya ang mga balang natira roon. Tumiim ang bagang ko. May kung anong nasa dibdib ko ang nagsisikip at parang kinukurot. Parang gusto kong maiyak. Hindi siya ito. Hindi siya si Yan-yan. Hindi siya aaktong maayos at parang walang nangyari matapos niyang kumitil ng buhay at pagtangkaan ang kanyang sarili. My Yan-yan just won’t do things like this…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD