Plan Thirty Six Her Plan “Nagsawa na?” Matamlay ang ngiting gumuhit sa aking labi bago magkibit ng balikat. “Siguro.” Isinandal ko ang ulo ko sa kahoy na pader ng studio. It’s so lucky na si Derry lang ang inabutan ko rito. Baka makapatay ako kapag may nakita akong iba lalo na ‘yong walang’yang hanger na ‘yon. Baka tuluyan ko siyang gawing hanger at isabit siya sa rooftop. “Imposible ‘yon. Ba’t ka naman pagsasawaan ni Savier? Alam mo nga, kapag nakikita ko kayo ni Savier naaalala ko ang mga magulang ko. Ganyan din sila kapag magkasama. Kaya nga nabuo ako eh.” At least, nawawala sa isipan ko ang nangyayari sa buhay ko ngayon dahil sa pagkaaliw ko kay Derry. Heto nga’t nagkukwento pa siya tungkol sa mga magulang niyang hindi ko naman kilala at wala namang koneksyon sa iniinda ko. Pero

