Plan Twenty Eight Her Plan “Oh myyyyy!” Napapikit ako’t natakpan ang tainga ko. Ang sakit sa bagang. Kailan ba tatahimik ang mga tao rito sa Ashton? Kailangan bang lagi silang sumisigaw? Hindi ba sila marunong magbulungan? Putulan ko kaya sila ng vocal chords? “Oh oh oh. Nag-uugat na naman ‘yang noo mo.” Puna ni Fifie sa akin. “Ano na namang ikinagagalit mo?” Ngumiwi ako. “Ang ingay nila.” Dahil doon, tumingin sila sa umpukan ng mga babaeng malantod na kanina pa sigaw ng sigaw sa tree park. Hindi naman namin makita kung anong meron do’n. Na-distract ako nang nag-vibrate ang phone sa bulsa ko, hudyat ng isang mensahe. Binuksan ko iyon at bumungad ang pangalan ni Xena na ikinataas ng kilay ko. Heather, please let’s talk. Sinarado ko ulit ‘yon at ibinulsa. Hindi naman na ako nagre-re

