Plan Twenty Three His Plan “Uh… grape?” Umiling-iling siya. “Then orange?” Umiling siyang muli. “Apple?” Inis na tumingin siya sa akin at ngumuso. Lihim akong napangiti. Kahit ano talagang gawin niya, ang ganda-ganda’t ang kyut-kyut niya pa rin. Sana lang araw-araw kong nakikita at nararanasan ang ganito. Napabuntong hininga ako nang maisip ang dahilan ng pagsimangot niya. “Sunshine, where on earth would you find a donut soaked in fruity flavors?” Ang endearment na iyon. Na-miss kong sabihin, na-miss ko siyang tawagin sa ganoong paraan. Napaisip siya. “Uh… here? Ah ewan.” Saka siya inis na nag-martsa paalis sana stall ng mini donuts na hinintuan namin kanina. We roamed around at naghanap ng pwede pa niyang kainin. Napaka-picky kasi ngayong nitong si Yan-yan ko. Hindi ko naman al

