Plan Thirteen

2271 Words
Plan Thirteen Her Plan Narinig kong may nagbagsak ng pintuan ng bahay kaya napatingin ako sa direksyon no’n mula sa sala na kinaroroonan ko. Na-shock ako nang makita ko si Rey na pumasok. Ngunit bago pa man mahalata ng mag-asawa ang gulat ko’y mabilis ko na iyong itinago. “Nii-san, anong ginagawa mo dito?” salubong ni Hime sa kapatid niya. Ako naman ay napatayo. Si Gino’y napasugod din sa sala para pakinggan ang pag-uusap ng magkapatid. “I’m… taking Maryan home.” Nanlalaki ang mga mata ng mag-asawa na bumaling ng tingin sa akin. Samantalang ako’y napakamot lamang ng ulo at hindi malaman kung paanong paliwanag ang gagawin ko. Hindi ko naman kasi inakalang hahantong ang lahat sa ganito. Tadhana nga naman, kapag nagbiro laging wala sa hulog. “Hey. Stop it.” Pag-aawat ni Rey sa dalawa. “Inaalala ko lang kasi kung komportable ba si Yan dito. Baka kasi mas komportable siya sa apartment kaysa rito.” “Naku, onee-san ah. Alam ko namang gusto mong solohin si Cloud. Pero hayaan mo muna siya sa amin for the meantime okay? Matagal rin silang hindi nagkasama ni Gino. Eh kayong dalawa naman nagkakasama na dati pa bago siya mapunta ng Switzerland.” “Are you two…” kunot-noo kaming itinuro ni Gino na parang litong-lito pa rin. Tanga talaga ng utak nitong isang ito. Napahinga ng malalim si Erinne at inilingan ang asawa niya. “Isa si onee-san sa mga first class na nag-mentor kay Cloud sa Italy. Mukhang nagka-developan. Hayun, in short MU sila ngayon.” Saka siya malapad ang ngiting bumaling sa akin. Napangiwi ako. Eh ba’t natutuwa ka pa? Tumikhim si Rey na nakatawag ng atensyon namin mula sa palitan ng dalawa. “Pwede ko ba siyang makausap?” tanong niya kay Gino na tinanguan naman nito. “Yeah sure. Go ahead.” Hinila ako ni Rey sa labas ng bahay. Huminto siya sa may dalampasigan at humarap sa akin. Mukha pa rin akong tanga na may question mark sa mata dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nangyayari. “Do you want to stay here?” he asked. Tumango ako. “Gusto ko rin sa ‘yo, Rey, pero kasi ayoko munang iwanan sina Gino. Nasasanay na rin naman ako sa ingay nila. T’saka… sigurado rin naman akong hindi ako pababalikin ni Gino sa ‘yo.” Tumango rin siya bago ngumiti. “I get that. Kapatid mo siya. Kahit naman ako, gano’n ako kay Hime.” “We’ll still see each other at school.” “Pupunta ka sa office ko?” Ngumiti ako at tumango na sinundan niya pagkatapos ay niyakap ako. He kissed my forehead bago siya tuluyang umalis. Bumalik ako sa bahay nang makaalis si Rey. Napahinga ako ng malalim. Heto na ang interrogation ni kuya. “Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi ka kaagad ibinigay ni Rey sa akin?” Nagkibit ako ng balikat. “Exactly.” Sa gulat ko’y nakasimangot siyang bumaling kay Erinne. “Serinna ko, ba’t di mo sinabi?” “Baliw. Sinabi ko na ngang kailan ko lang rin nalaman ‘yan eh. Ang kulit neto. Ni hindi ko nga alam na dating agent ‘yang si Rey eh. Tigilan mo na nga ang ka-praningan mo. Magluto ka na nagugutom na ‘ko.” Napakamot ako ng buhok. Pambihira. Napakislot ako nang magsimulang tumunog ang cell phone ko. Dinig sa buong sala ang malamig na tinig na kinakanta ang liriko ng ‘You are my sunshine’.  Napatingin ako sa tumutunog na cellular phone. ‘Tapos kay Erinne na nakanganga sa akin. “Anong klaseng ringtone ‘yan, Cloud?” Sige sa pagtunong ang phone. You make me happy when skies are gray. You’ll never know dear, how much I love you. please don’t take my sunshine away… “Walang basagan ng trip. Mind your own.” Saka iwinagayway ko ang buhok kong nakalugay bago ko kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag. “Hello?” “Maryan!” napataas ang kilay ko nang makilala ko ang tinig ni Renee. “I need your help. Please please please!” Napakunot ako ng noo. Bakas ang panic sa tinig niya. “What’s that? Where are you? May namatay? May sunog? Ano?” “Kailangan ng tulong ni Savier. Please puntahan mo siya.” Mas lalong kumunot ang noo ko sa pagkalito. Bakit si Savier? Anong problema ng impaktong ‘yon? Mamamatay na? “Eh ikaw? Nasa’n ka? Bakit ako?” “Bukas ko na ipapaliwanag. Hindi ako makakapunta ngayon, Maryan. I really can’t. Please help Savier. He’s having some trouble.” Napahinga ako ng malalim. Ano pa nga ba namang magagawa ko? “Fine fine. But as soon as you can get to him, call me so I can leave. Hindi ako pwedeng magtagal do’n.” Baka mamaya’y imbis na makatulong ako, ako pa ang kumatay sa tarantadong iyon. “Okay, I will. Thank you, Maryan. Salamat talaga.” Pagkatapos ay winakasan na niya ang tawag. Tumingin ako kay Erinne na naghihintay ng sasabihin ko. Lumaglag ang balikat ko sa sobrang frustration. “Bakit parang nakasama ang pagkakaroon ko ng cell phone, Hime?” “Kung kani-kanino mo kasi ibinibigay ang number mo.” pagtataray niya bago ako talikuran. Pabuntong hininga akong nagpaalam sa kanilang dalawa. Pinipigilan ako ni Gino dahil kakain na raw ng hapunan pero sabi ko na lang doon ako kina Ren kakain ng dinner. Uuwi rin ako kaagad kahit alam kong hindi ako sure do’n. Kaya pinayagan na rin ako. “Gamitin mo ang kotse ko.” sabay hagis niya ng susi. Napangit ako. “Salamat, Gino!” “H’wag mong ibabangga ‘yan, Maryan!” Hindi na ako sumagot at pinaandar na lang ang kotse papunta sa mansyon ni Savier. Pagdating doon eh hinanap ko kaagad kung saan sa madaming kwarto na ‘yon siya naroon. Kung bakit ba naman kasi kinailangan niyang tumira sa ganitong kalaking bahay eh nag-iisa lang naman siya? Pa-sosyal kasing tao ang hinayupak. Kinalampag ko ang pintuan. “Savier! Hoy, Crusade!” Sa gulat ko’y bumukas ang pintuan. Nang magtama ang mga mata namin, agad namang sumarado ang pintuan sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko. The guy has the nerve to do that to me! Ang kapal ng mukha niya! Kinuha ko ang cell phone ko mula sa bulsa ng aking pantalon at tinawagan si Renee na agad namang sumagot. “Hoy! Ayaw akong pagbuksan ng pintuan ng syota mo!” bungad kong sigaw sa kanya. “Pilitin mo, gibain mo. Maryan, I really can’t make it. I’m so sorry.” Talaga namaaaan! “Oo na, sige na!” pinatay ko ang tawag at kinalampag muli ang pintuan. “Anak ng pating, Savier, buksan mo na nga ‘to!” Bilang ang segundo nang biglang bumukas ang pintuan at sumalubong sa akin ang pares ng malambot na labi na bigla na lamang inangkin ang akin. Napasinghap ako. Nalalasahan ko ang metal sa kanyang bibig at hindi ko maaaring hindi mapagkamalang droga iyon. Hinila niya ako papasok sa kwarto. Ramdam ko ang diin at rahas sa kanyang mga halik. This is not Savier. Hindi siya ito. “Hey. Hey!” umiwas ako sa mga halik niya bago siya tuluyang itinulak sa kama. Nanlaki ang mga mata niya nang saluhin ng malambot na katre ang kanyang katawan. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpalinga-linga sa silid. Nakaamoy ako ng pamilyar na amoy. Mataman ko siyang tinitigan. Mukha siyang sabog. Namumula ang mga mata at nanunuyo ang labi. “Gago ka ba talaga? Why are you taking drugs?” Tumawa lang siya ng mahina. Sumandal siya sa may head board at kinuha ang mukhang sigarilyo na ‘yon pero droga ang laman saka niya hinithit. Matagal nang sakit ni Savier ang hindi makatulog. He needed those drugs to actually help him doze off instead of just drinking some pills to calm him down. He doesn’t like taking tabs. He hated it. So much na mas papaboran pa niya ang cocaine kaysa sa sedative. Hindi man lang ba niya nare-realize na mas lalo lamang pinalalala niyon ang sakit niya? He needs help, not drugs. Inagaw ko ang sigarilyong hinihithit niya. Lahat ng nakakalat na droga sa side table niya ay hinakot ko at ibinasura. Naupo ako sa kama katabi niya pero nakaharap. I cupped his face while his eyes frantically followed to where I dropped his stash of coke. “Savier. Hindi mo kailangan ng mga ‘yon. Makinig ka sa akin. Sisirain lang no’n ang buhay mo. Masisira lang ang buhay mo.” Hindi ko malaman kung ang pagngisi niya sa akin ng wala sa lugar ay dala ba ng droga o ng normal niyang emosyon. “Matagal nang sira ang buhay ko. Sinira mo ‘yon, ‘di ba? Nakalimutan mo?” Tumiim ang bagang ko. May kung anong kumirot sa kalooban ko na pinili ko na lamang ignorahin. “Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ito para may mapatunayan sa akin. Kung sinira ko ang buhay mo gaya ng sinasabi mo, maaari mo namang buuin muli iyon. Maraming taong nagmamahal sa ‘yo at handang tumulong. Nandy’an si Xena. Nand’yan si Renee.” Hindi nakaligtas sa akin ang panginginig ng kanyang kamay nang palisin niya ang mga palad ko sa kanyang pisngi. “H’wag mo siyang banggitin! Hindi niya ako kayang ayusin! Walang may kayang umayos sa akin. Umalis ka na!” Nagpantay ang labi ko sa pagpipiit na bulyawan siya. “You want me to leave?” He clenched his jaw at umiwas sa aking mga mata. “Go. Leave me alone. That’s what you do after all, Maryan. ‘Di doon ka magaling? Ang mang-iwan? Kaya iwanan mo na ako.” “Tignan mo ako sa mga mata at sabihin mong gusto mo akong umalis.” Ngunit hindi siya gumalaw. Pabuntong hininga kong hinawakan ang kanyang mukha at pinilit na salubungin niya ang aking mga mata. “Gusto mo ba akong umalis, Savier?” Sa puntong iyon lumukot ang kanyang mukha. Hindi ko mapagkilanlan ang emosyong naglalaro sa kanyang mga mata ngunit ramdam ko ang pagkirot ng bahagi ng katauhan ko habang nasasaksihan ko ang pagdaan ng ekspresyong iyon. “Bakit mo ba ako pinahihirapan? Bakit ba gustong-gusto mo akong pahirapan? Hindi ka dapat umalis! Hindi mo dapat ako iniwan!” Natulala ako roon. Nang mga oras na iyon ay hindi ko na rin naiintindihan ang aking sarili. Nalilito ako sa mga nararamdaman ko. Kung bakit at kung paanong naaapektuhan pa rin ako ni Savier sa tagal ng panahon na ginugol ko upang makalimutan ang lahat-lahat. Parang kuryente lang na dumaloy mula sa paa ko hanggang sa buong katawan ko nang dumampi ang labi niya sa labi ko sa ikalawang pagkakataon.  Sinakop niya ang buong labi ko, hindi siya nagmamadali ngunit naroon ang diin, ang panggigigil. Ang gutom. Ang pagkasabik. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko. Kung anong nag-udyok sa akin na magpaubaya. Subalit habang nararamdaman ang mainit niyang palad na naglalakbay sa likuran ko upang abutin ang clasp ng bra na suot-suot ko, kinalimutan ko na ang kasalukuyan. Para akong nagbalik sa nakaraan. Noong mga araw na tanging si Savier lamang ang may kakayahang magparamdam sa akin ng mga normal na bagay. Na tanging siya lamang ang may kakayahang magmanipula sa aking katawan at magdala sa akin sa rurok ng kaligayahang akala ko’y hindi ko na kaya pang maranasan dahil sa dinaramdam kong sakit. Lahat ng iyon ay bumabalik habang pinapanood ko siyang hubarin ang saplot niya sa kanyang katawan. Habang pinagmamasdan ko siyang halikan ang bawat sulok ng katawan ko na para bang sinasamba niya iyon. Habang pinanonood ko siyang gumalaw sa ibabaw ko, magkapanabay na nilalasap ang ligaya ng pag-iisa ng aming mga katawan na para bang maging ang mga kaluluwa nami’y nagiging isa rin. And later, I stroked his hair softly, pinakikinggan ang paghahabol ng kanyang hininga. Pinakikiramdaman ang pagpapakalma niya sa kanyang sarili habang nakabaon ang mukha sa kaliwa kong leeg na para bang naghahanap ng proteksyon mula sa marahas na mundo sa labas. Hinaplos ko ang mga braso niya, itinaas ang bed cover upang mabalutan ang pinagpapawisan niyang katawan. Mahinang sinimulan ko ang pagkanta, nilalayong makatulog siya sa pamamagitan ng paborito niyang lullaby na araw-araw kong ibinubulong sa kanya sa tuwing sasapit ang dilim. “You are my sunshine, my only sunshine.” At natatakot akong baka pagdating sa huli’y siya pa rin ang magsisilbing tanging liwanag ko. “You make me happy when skies are gray. You’ll never know, dear, how much I love you. please don’t take my sunshine away…” Ipinapanalangin kong pagdating ng umaga’y hindi niya matandaan ang nangyari ngayon. Dahil kung magiging marahas ang tadhana’t pipiliin nitong itatak kay Savier ang pagkakamaling ito, there’ll be no doubt na mas masasaktan lamang siya at mas lalong mahihirapang umusad mula sa nakaraan.   “The other night dear, as I lay sleeping I dreamed I held you in my arms. But when I awoke dear I was mistaken. And I hung my head and cried.” - Pine Ridge Boys (1939)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD