ANG BALITA

1856 Words
Nang umaga na iyon nasa dining area si Carl, nagbabasa ng diyaryo at humihigop ng mainit na kape. Si Eliza naman ay nagluluto ng kanilang almusal. Seryoso sa pag babasa si Carl ng hindi sinasadyang mahagip ng kanyang mga amata ang isang balita. Isang sariwang sariwa pa lang na balita, dahil kagabi lang ito nangyari. Ang nakalagay sa balita ay --- ‘Isang tanyag at magaling na abogado, natagpuang patay sa isang parking lot ng condominium!’ Napakunot ang noo ni Carl at pinagpatuloy ang pagbabasa dala ng kuryusidad. ‘Tinatayang kaninang pasado 3:00 ng madaling araw ng matagpuang patay ang tanyag at magaling na abogado na si Attorney Jaime Ferrer sa loob ng sarili nitong sasakyan. Natagpuan ito ng isang security guard na si Mando Faustino, ang noo’y naka-assign sa nasabing parking lot. Habang nag-iikot ng mga oras na iyon, napansin di umano’y napansin nito na nakailaw ang headlight ng sasakyan ng naturang abogado. Nilapitan niya ito upang siyasatin. Doon niya nakita ang abogado na nakayuko sa manibela nito. Sa pag aakalang nakatulog lang ito, kinatok niya ang bintana upang gisingin ito. Ngunit hindi ito natinag sa pagkakasubsob kaya minasdan niya maige at napansin na hindi na ito humihinga. Kapansin pansin din na sobrang basa ang mga kasuotan nito. Hindi na nag aksaya ng oras si SG Faustino at tumawag na ng back up. Agad naman dumating ang SOCO at inimbistigahan ang pangyayari. Sa ngayon ay hindi pa lumalabas ang autopsy report ng bangkay ng abogado.’ Nakaramdam ng panlalamig ang buong katawan ni Carl sa binasang balita. ‘Anong nangyari? Samantalang nag usap pa kami ni Attorney patungkol sa pag aampon kay Angelito. Tapos sa isang iglap nangyari ito sa kanya?’ naitanong ni Carl sa sarili. “Carl! Carl, my god si attorney! Si attorney!” humahangos si Eliza na lumabas mula sa kusina, halata sa itsura nito ang gulat. “Alam ko na ang balita..” malungkot na sabi ni Carl, nanlaki ang mata ni Eliza. “N-nasabi na sa’yo ni A-Attorney Ferrer?” nanginginig ang boses ni Eliza sa pagtatanong. Nagtaka si Carl sa tanong ng asawa, hindi ba alam nito na patay na ang abogado nila? Anong balita ang ikinagulat nito? “What do you mean na nasabi na ni Attorney?” “Akala ko ba alam mo na ang balita? Tapos tatanungin mo ako?” may bahid ng pagka inis ang boses ni Eliza. “napanood ko sa balita na natagpuang patay ang mag-iina ni Attorney Ferrer, ngunit wala siya nang mangyari ang krimen. Ang mag-iina daw ay basang-basa, pagkalunod daw ang ikinamatay ng tatlo. Natagpuan daw ang mga katawan nila sa kanilang kuwarto at walang palatandaang pinasok sila ng magnanakaw dahil wala namang nawala. Ayon sa nag imbestiga, wala man lang ebedensyang iniwan.” Nanindig ang balahibo niya sa buong katawan, samantalang si Eliza ay naiiyak na habang nagkukuwento. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng kanyang asawa, sapagkat ang maybahay ng abogado ay mabait at isa pa masyado pang bata ang mga anak nito. Coincidence lang ba ang lahat na namatay sila ng sabay sa loob ng isang araw? Tumayo si Carl at nilapitan si Eliza, niyakap niya ito para aluin dahilan para hindi na mapigilan ni Eliza na umiiyak. Kilala niya ang asawa na napakapusong mamon. Ang napapagulo ng isip ni Carl ay mayroon bang krimen na walang ededensiya at walang maituro na suspect? Bahagyang nilayo ni Carl ang asawa sa pagkakayakap at tinitigan sa mata. “Eliza, patay na din si Attorney Ferrer.” Pinanlakihan ng mga mata si Eliza. “Pa-paanong nangyari iyon?” Hindi nawawala ang gulat sa mukha ni Eliza. “Natagpuan siya sa loob ng kanyang sasakyan sa parking lot ng isang condominium, kagaya ng mag-iina basang basa din ang mga damit niya.” Naiwang nakaawang ang mga labi ni Eliza. “Mama? Bakit po kayo umiiyak?” Napalingon ang dalawa sa bungad ng dining at doon nakayo si Angelito na nagtataka. Nagmamadalimg pinunasan ni Eliza ang mga luha bago hinarap si Angelito. “Good morning, pasensya na napuwing kasi ako kaya tinutulungan ako ni Papa Carl mo na tanggalin.” Bahagyang ngumiti si Eliza sa bata. Halika dito at maupo ka, ihahanda ko na ‘yung niluto kong almusal.” Nilapitan ni Eliza ang bata at hinila niya ito para maupo. Lumuhod siya sa harap ng bata at tiningnan sa mata. “Anong kailangan mo Angelito?” tanong niya ni dito. Nagulat siya ng bigla siya nitong halikan sa pisngi, maging si Carl ay nagulat din sa inakto ng bata. Nakatulala si Eliza sa bata habang hawak ang kaliwang pisngi na hinalikan nito. “Ayoko ko pong nalulungkot kayo. Nalulungkot din po ako kapag nakikita ko kayong umiiyak o malungkot po. Isa pa, ang ganda niyo po kapag nakangiti.” Namula ang pisngi ni Eliza sa sinabi ng bata, si Carl naman ay natawa habang pinagmamasdan ang dalawa. “Alam mo Angelito, kung hindi ka lang bata baka nagselos ako sa’yo. Ayos ang mga the moves mo! Pwede mo ba akong turuan niyan para magamit ko sa mama Eliza mo?” tinaasan baba pa ni Carl ang bata ng kilay. “Sige po papa!” mabilis na sagot naman ni Angelito. “Tigilan na ninyo iyan! Hoy! Ikaw Carl, maya kung anu ano ang ituro mo diyan kay Angelito. At ikaw naman Angelito! Bata ka pa ha, tigilan mo yang mga the moves na ‘yan!” sermon ni Eliza sa dalawa. “Bakit ako?” painosenteng tanong ni Carl. “ang bait ko kaya, diba Angelito?” sabay kindat niya sa bata. “Opo, papa.” Humagikgik naman si Angelito. “Hay naku, tigilan niyo na nga ‘yan. Kumain na tayo at gutom lang ‘yan.” Sabay lapag ng pagkain sa harap ng dalawang lalaki. Ang umagang iyon ay napuno ng tawanan nang tatlo, pansamantala nilang isinantabi ang balitang gumulantang sa kanilang dalawa. Sa ospital.. “Yes, I need that report by tomorrow. Thank you.” Dahil sa pagkamatay ni Attorney Ferrer, kinailangan niya kumuha ng bagong abogado para sa pag-ampon nila kay Angelito. Hindi lang iyon, naghire siya ng isang private investigator para mag imbestiga tungkol kay Melanie Arevalo. Ang tanging nabubuhay sa mga nag-ampon kay Angelito. Ang tanging problema lamang ay wala ito sa sariling katinuan. May kailangan siyang malaman kay Angelito. Inaamin ni Carl sa sarili na medyo nagkakaroon na siya ng amor para sa bata. Binubulabog lang siya ng mga pangyayari sa nakaraan nito kaya kailangan niya paimbestigahan. “Doc,” napatingin siya sa may pinto nang tawagin ang pansin niya ng kanyang assistant. “Doc, nandito po si Mr. Andrei Dantes.” Si Andrei Dantes ay ang kapatid ni Warren Dantes. Tinawagan ko siya para magtanong sa nangyri kay Warren. Naging magbarkada naman kami ni Warren nung panahong pareho pa kaming nag-aaral med school. “Salamat at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon Mr. Dantes.” Sinenyasan niya ito para maupo. “Napakapormal mo naman, Andrei lang doc.” Nakangiting sabi nito kay Carl. “Okay, then call me Carl.” Balik nito kay Andrei. “Didiretsuhin ko na, kaya pala kita pinatawag dito para malaman ang nangyari kay Warren.” Napansin ni Carl na lumambong ang mukha nito pagkabanggit ng pangalan ng kapatid. “Masaya naman ang pagsasama ni kuya at ng asawa niya, kaso isang araw ay humiling si Ate Rina na mag-ampon sila ng magiging anak. Dahilan na si Ate Rina ay may problema at wala ng kakayahang magka-anak.” Nangunot ang noo ni Carl, “bakit? Anong problema ni Rina?” tanong niya. “May sakit sa puso si Ate Rina, kung magkaka-anak sila ay maaring ikapahamak niya. Hindi ginusto ni kuya na mapahamak si ate kaya nakuntento na lang sila sa isa’t isa. Dahil na rin ang mga kaibigan ni ate Rina ay may mga anak na at isa na lang ang napag-iiwanan, she suggested to kuya na mag-ampon sila ng magiging anak nila. At first, hindi pumayag si kuya pero nagkaroo sila ng cold war. So, no choice siya kung hindi ang pumayag. Pumunta sila sa isang bahay ampunan, babae dapat ang balak nilang ampunin nang makuha ang atensiyon ni Ate Rina ng isang batang lalaki..” napahinga muna ng malalim si Andrei bago nagpatuloy. “..iyon ay si Angelito, limang taong gulang lamang siya noon. Nagustuhan siya ni ate dahil mabait, matalino at napakaamo ng mukha nito. Siya ang piniling ampunin nila kuya. Naging maayos at masaya naman silang pamilya, ngunit may kakaibang nangyari makalipas ang isang buwan..” tumigil ito sa pagsasalita at tumingin kay Carl ng seryoso. “Gusto mo pa bang malaman?” “Yes, please continue.” Tinanguan ito ni Carl para magpatuloy. “May mga bagay na nangyari na hindi mo mapaniniwalaan. Bawat yaya na i-hire ni kuya ay may nangyayari na hindi maganda; kung hindi biglang nawawala, natagpuang patay sa bathtub nila kuya at bumubula ang bibig. Kahit mismong si tita Aida ay napahamak din dahil Angelito. Nung minsan na nagkaroon kami ng outing, muntik na malunod si tita Aida. Sabi ni tita si Angelito daw ang may gawa noon. Ginawa daw iyon ni Angelito dahil nakita ni tita na tinulak nito ang anak ni ate Cara para malaglag sa hagdan.” Hindi mapaniwalaan ni Carl mga kinukwento ni Andrei na may kinalaman kay Angelito. “Ngunit hindi hindi iyon pinaniwalaan ni kuya Warren at ate Rina. Samantalang si Angelito? Ayun akala mong maamong tupa sa tuwing may aksidenteng nangyayari. Dahil doon, lumayo sa pamilya namin ang mag-asawa. Hindi lang ‘yon, napansin namin ang unti-unting pagbabago nila. Ang dating mabait at tahimik na si ate Rina ay nag iba ang ugali. Si kuya naman ay naging lasinggero at maiinitin ang ulo.” Hindi na kaya pang marinig ang ibang sinasabi nito kaya dumiretso na siya sa pinaka-pakay niya. “Nung araw na matagpuan silang patay, anong nangyari noon?” “Si mama ay dumalaw sa kanila noon, may pagkakataon kasi na sa bahay ng mag-asawa siya nananatili. Since may duplicate key siya, nagulat siya na pagbukas niya ng pinto ay magulo ang bahay. Nakakalat ang mga gamit at may mga bakas ng dugo. Sa takot ni mama na baka nandoon pa ang gumawa ng krimen, hindi muna siya pumasok at agad siyang tumawag ng pulis. Dumating ang mga pulis at hinalughog ang kabahayan, nakita si kuya na nakahandusay sa tapat nag kwarto nilang mag-asawa. Sa kwarto naman nila, nakita si Angelito na nakatayo sa harap ng bangkay ni ate Rina. Grabe ang itsura daw ni ate Rina. Sabog daw ang bibig sa pagkakabaril. According kay Angelito, si kuya daw ang may kagagawan no’n dahil umuwe si ate Rina ng gabi na at pinagbibintangan ito ni kuya na may kalaguyo. Idineklara na suicide ang pagkamatay ni kuya matapos nitong patayin si ate Rina.” Mahabang kwento ni Andrei. “Si Angelito lang ang nabuhay no’n diba?” tumango lang si Andrei sa tanong ni Carl. “paano siya nabuhay?” “Sabi ng mga pulis ng tanungin siya, pinunasan niya daw ang sarili niya ng dugo at tumabi sa bangkay ni ate Rina. Nagpanggap siyang patay dahil sa takot na patayin din siya ni kuya Warren.” Sapat na ang mga narinig ni Carl mula kay Andrei. Nagpasalamat siya dito ng marami at malaki ang naitulong nito para sa gagawing pag-aampon kay Angelito. Nalaman pa nga niya na matapos ang libing ng mag-asawa ay napagpasyahan na ibalik na lamang ng pamilya nila si Angelito sa ampunan. Simula noon ay wala na silang narinig dito. Isang malaking palaisipan ang binubuo ni Carl sa pag iimbestiga sa katauhan ni Angelito, para siyang humuhukay ng isang libingan na wala namang nakalibing. Sa kagustuhan na mapasaya si Eliza, ito ang ginagawa niya. Napahinga siya ng malalim at sumandal sa kinauupuan upang i-relax ang kanyang isipan..kahit pansamantala. Si Andrei naman ay nakauwe na sa kanyang condo. Paglapat ng kanyang pinto ay nagulat siya sa taong nakatayo sa kanyang harapan! “Hi Uncle Andrei! Kamusta po?” nakangiting bati ni Angelito sa gulat na gulat na si Andrei.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD