Special Chapter 6 — Ang Buhay Pagkatapos ng Laban May mga kwento na nagtatapos sa “Wakas.” Pero ang totoo… Do’n pa lang nagsisimula ang tunay na buhay. Tahimik ang umaga sa lungsod. Ngunit sa katahimikang iyon, hindi na mabigat ang hangin. Ibang klase na ang tahimik. Hindi na puno ng takot. Kundi puno ng pagkakataon. Nakatayo si Lila sa harap ng malaking salamin sa kanilang bagong apartment. Simple. Maliwanag. Walang luho na sumisigaw. Ngunit para sa kanya— Ito na ang pinaka-espesyal na lugar. Sa likod niya, si Adrian, nakaupo sa sofa, may hawak na kape. “Kinakabahan ka?” tanong niya. Napatingin si Lila sa kanya sa salamin. “Hindi na,” sagot niya. “Sigurado ka?” dagdag ni Adrian, bahagyang nakangiti. Umiling si Lila. “Hindi ako sigurado sa lahat.” “Pero sigurado ako sa

