"Ano 'yan? Baliw, ampota."
Nasa room na naman ang cutting squad. Wala na kaming klase at pumapasok lang kami para mag-practice sa darating na graduation. Nag-pictorial kami para sa graduation pic at para sa creative shot.
Isinama ako ni Saffron sa kaniyang creative shot at may nakasulat sa isang whiteboard ang salitang nasa classmate ang true love. Pinapanood kami kanina ng mga kaklase namin at ang iba pang section.
Tinaasan ni Saffron ng kilay si Theros. "Anong masama sa nasa classmate ang true love?"
Umiling ito. "Wala lang, naiinggit lang ako."
"Dapat ang inilagay mo sayo, nasa lesbian ang true love, kung naiinggit ka." Pang-aasar ni Haru kay Theros.
Mas lalo silang nagtawanan nang maasar si Theros sa sinabi ni Haru.
Naging mabilis ang araw at araw na ng Pagtatapos namin. Excited ako dahil kahit minsan ay lutang ako sa klase ay nakapasa pa rin ako. Ofcourse, I have Saffron who helped me in my acads kaya dapat, maghanap ng lalaking tutulong sayo sa pag-aaral, hindi 'yung nagpapakyuhan kayo sa isa't-isa ay same vibes na.
Nagsimula na ang seremonya. Naglalakad pa lang ang lahat ng teacher mula Grade 7 hanggang Grade 12 sa carpet kaya naghihintay pa kami rito sa pila. Mainit dahil dikit-dikit talaga kami rito.
Nag-aalala ako dahil wala pa si Saffron. Baka ma-late siya at hindi na makapaglakad pa sa carpet. May naka-reserve naman na siyang upuan sa harapan dahil isa siya sa mga sasabitan ng medalya.
Magkasama sila ni Aelius sa harapan na uupo dahil parehas silang may karangalan. Valedictorian si Saffron ng buong HUMSS at Grade 12 habang si Aelius ay Salututorian ng STEM at Grade 12. Nagulat din ako dahil With High Honor si Haru at Theros kahit pala-kopya sila.
"Students, please go back to your line. We will start now."
Humiwalay ako sa pila para lapitan si Saffron na kakarating lang. Pawisan pa siya at hinihingal, mukhang tumakbo pa ata.
Pinunasan ko ang pawis niya gamit ang aking panyo. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nagpunta?"
Alam naman niyang maaga magsisimula ang graduation namin ngayon.
Tumawa ito. "Nagmadali ako. Akala ko late na ako." Tumingin ito sa harapan.
Ngumiti ako sa kaniya. "Magsisimula palang." Hinila ko siya sa papunta sa pila namin. "Nasaan ang parents mo? Ikaw pa naman ang Valedictorian ng HUMSS at Senior High." Nakangusong sabi ko.
I'm proud of him. Ang galing niya talaga kahit pa araw-araw siyang stress sa akin dahil sa pagtuturo. Nagagalit at pinapagalitan niya ako kapag nakakalimutan ko 'yung tinuturo niya sa akin. Imagine his relief now dahil parehas kaming nakapasa at hindi na niya ako matuturuan pa.
Nag-iwas ito ng tingin bago ako sagutin. "Hindi sila pumunta." Sa sinabi niyang 'yon ay iniwan ko siya. "Saan ka pupunta? Magsisimula na, oh." Hinawakan niya ako sa kamay para pigilan,
"Kakausapin ko lang ang nanay ko." Sabi ko.
Tumakbo ako papunta sa seats ng mga magulang. Nahanap ko rin agad ang parents ko dahil nag-iisa lang si daddy na mayroong blonde na buhok dito.
Nagulat si mommy nang makita ako. "Oh, Aussie? May kailangan ka?" Nilapitan ako nito.
"Mom, Saffron's parents are not here. Hindi sila um-attend. Pwede bang kayo ni daddy ang magsabit ng medal sa kaniya? He's our valedictorian." Pakiusap ko.
Proxy ang parents ko ngayong araw para kay Saffron. Ayoko namang malungkot si Saffron dahil wala ang parents niya at walang magsasabit ng medals para sa kaniya. Gusto ko maranasan niya na may proud sa kaniya at 'yon ay ako at ang mga magulang ko.
Nang section na namin ang next na tatawagin ay tumayo na kami at pumila sa gilid.
"Chassè, Aurelia Ssienna L." Tawag ni sir Wanton.
Sina mommy ay umakyat din, may hawak na diploma. "Congratulations," nakangiting bati sa akin ni mommy at sabay kaming ngumiti sa cameraman.
Niyakap ito. "Thank you, mom."
"Nakakaproud ka naman, anak."
Malapit na matapos ang graduation namin at valedictorian speech nalang ni Saffron ang kulang. Natawag na siya kanina para kunin ang diploma at ang marami niyang medals.
He really excel in every subject.
Sana lahat.
"Wu, Saffron." Tawag ng MC.
Naglakad si Saffron sa taas at pumuwesto sa gilid kung saan siya magsasalita. Mayroon siyang kodigo ng sasabihin niya at inutusan ko siyang paiikliin 'yon para maaga kaming matapos dito.
Ang init, eh.
"Good afternoon, teachers, parents, and to my schoolmates. I know, we went through so hard just to be here. Today, we will now start our new chapter in life. I want to say thank you to the people who believed, trusted, and love me. To God, for the guidance to the right path, to my parents, who gave me a support even they are far from me, to Aelius Danerie Abellana, Theros Maximo Del Mundo, Nishimura Haruka, who helped me through my up and down, and to my lovely girlfriend who's my inspiration, Aussie, thank you for accepting me for who I am. I love you,"
Pumikit ako at pinaypayan ang mga mata gamit ang kamay. "I don't want to cry." Natatawang bulong ko.
Nakangiti lang ako, pinipigilan na lumuha. Pumapalakpak habang pinapakinggan ang sinasabi ni Saffron. I may not be his first but I promise that I will be his last. I'll do my very best to be his wonderful girlfriend.
Mamahalin ko siya at hinding-hindi ako magsasawa sa kaniya.
Hinubad ni Saffron ang suot niyang toga. "I know we are all struggling now. We have struggled because of many things because some of them are not privileged but you have proven that you can graduate and reach your dreams. I am Saffron, from HUMSS, your Valedictorian, saying congratulations to us. Congratulations," sigaw niya sabay hagis ng toga niya. "Aray." Rinig kong sigaw niya nang matamaan siya sa ulo pagkabagsak ng graduation cap niya.
Tumakbo agad sa akin si Saffron nang makababa siya ng stage. Natawa ako nang bigla niya akong sugurin ng yakap saka hinalikan sa pisngi.
I kissed his cheek too. "Congrats, baby."
Hinalikan niya ang mga labi ko. "Congratulations, mahal." Nakangiting bati niya. "We made it."
Pumunta na kami sa kinaroroonan ng parents ko. Nagulat ako nang makita si kuya. Wala siya kanina rito dahil mas gugustuhin niya raw manatili sa bahay at hintaying dumating ang inorder na mga pagkain.
"Isang unusual na pangyayari ang pag-eenglish ni Saffron." Hinawakan ni kuya si Saffron. "Nakakadugo sa ilong ang speech mo, bayaw."
Yumakap sa akin si mommy. "Congrats sa inyong dalawa. Proud ako sa inyo." Niyakap niya rin si Saffron na nagulat.
"I love you, mom."
Tumingin si mommy kay Saffron. "Saffron, sumama ka sa bahay. Mayroong kaunting salo-salo para sa pagtatapos niyo ni Aussie."
Nahihiyang napakamot sa ulo si Saffron. "Ah, thank you po, tita."
Si lola ang bumungad sa amin. Agad akong nagmano saka niyakap ito. Ipinakita ko ang diploma ko sa kaniya.
Kinuha nito ang diploma ko para tingnan ito at maya-maya pa ay napangiti. "Congrats, mga apo."
"Salamat, lola."
Binasa nito ang pangalan ko na nakasulat sa diploma. "Ay, nakakatuwa naman na bilang isang lola ay may nakapagtapos ng Senior sa aking mga apo." Ngumiti ito sa akin. "Alam mo naman na mahirap lang ang pamilya namin. Maswerte ka dahil napangasawa ng nanay mo ay ang iyong tatay. Kayo lang ni Ambrose ang makakapag-aral sa kolehiyo. Huwag mo kaming bibiguin, apo, ha."
Tumango ako. "Opo, lola. Makakapagtapos po ako ng kolehiyo."
Isa-isang dumating ang in-order naming pagkain. Hindi nakapagluto si mommy dahil nga kasama ko siya sa school at si lola naman, hindi niya kayang magluto ng mag-isa.
Nang matapos ay umakyat kami ni Saffron sa rooftop para magpahangin. Nakapagpalit na ako ng damit habang siya ay naka-uniform pa rin, hinubad na ang suot na toga.
May kinuha ito sa bulsa. "I have a gift for you."
Inabot niya sa akin ang maliit na kahon. Inilagay ko muna 'yon sa aking tainga para pakinggan ang tunog.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Singsing ba 'to?" Tanong ko. "Charot," bawi ko.
"Soon!"
Binuksan ko na ang kahon at nagtaka dahil susi ang laman. "Susi? Sasakyan ba ang regalo mo? Hindi pa ako marunong mag-drive." Pag-aassume ko.
Grabe! Pati regalo niya sa akin ay lumelevel-up. Baka sa susunod, gusali na ang iregalo niya sa akin. Magtatayo na ako ng sarili kong kumpanya.
Humalakhak ito. "Silly!" Kinuha nito ang susi sa aking kamay saka ngumiti. "I asked your parents about us, living together and they agreed."
"What?" Gulat kong tanong.
Living together? Kaming dalawa? Is that possible? Walang bubuhay sa aming dalawa kung magsasama kami dahil hihiwalay kami parehas sa mga magulang namin.
"Yup! Live in." Tumango ito. "I bought a condominium unit in Quezon City." He stopped. "Ayaw mo ba? Pwede ka naman tumanggi." Ani niya. "Masyado ba akong mabilis?" Nakanguso nitong tanong.
Tumango ako. "No. I mean, yes. Payag ako na tumira kasama ka. Nagulat lang ako." Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya. "Ang hilig mo talagang magregalo ng mamahalin." I kissed his cheek.
"Mahal kita, eh."
Ngumuso ako sa kaniya nang may maalala. "Wala pa tayong trabaho."
Baka bumalik lang din kami sa sarili naming mga bahay dahil baka magutom lang kami.
Umiling ito. "Ako ang bahala." He winked.
Bumaba na kami para kausapin ang mga magulang ko. Si mommy lang ang may alam. Saktong nandito sa bahay si daddy kaya magpapaalam kami sa kaniya kahit na alam ko naman na papayag siya sa ganoong set up namin.
Gusto ko talagang mag-aral sa Quezon City, sa UST to be exact. Doon kami mag-aaral ni Saffron at sana palarin kaming dalawa. Magkaiba ang kukunin naming kurso at pipilitin kong maintindihan ang ituturo sa akin dahil mahihirapan na si Saffron dahil college na kami pareho.
Ayokong umasa sa kaniya.
"Paano kayo maninirahan kung parehas kayo estudyante?" Nagtatakang tanong ni daddy.
Napakamot sa batok si Saffron at mukhang hindi niya alam kung ano ang isasagot. "Ah, I started investing my money when I was 14 of age." Nahihiyang sabi nito. "Not bragging but I'm earning a lot so money is not our problem." Tumingin ito sa kay mommy.
Hinawakan sa braso ni mommy si daddy. "Hayaan mo na sila. Ipinaalam sa akin ni Saffron ang halaga ng pera niya. Hindi niya hahayaang magutom ang anak natin." Tumingin ito kay Saffron. "That's your money, right?"
Agad naman tumango si Saffron. "Opo, sarili ko pong pera."
"Bakit pa sa Quezon City? Ayaw niyo ba rito sa Taguig? Para naman ay makabisita pa rin kayo rito sa bahay." Ani na naman ni daddy.
"I am planning to enroll in UST, tito." Napatingin ito sa akin.
Ngumiti ako kay daddy, "Me too. Rawr." Ani ko at umasta pa na parang tiger.
Napatango si daddy. "Okay, hindi na ako magtatanong. Alam ko naman na hindi mo pababayaan ang unica hija ko. Magtitiwala ako sayo, Saffron, na walang mangyayaring masama kay Aussie habang nasa puder mo siya. Nagkakaintindihan ba tayo?" Seryosong sabi ni daddy.
"Aalagaan ko po si Aussie katulad kung paano niyo siya alagaan."
Tumayo ako para yakapin ang aking ama. "Dad, thank you."
Napatingin kami kay Saffron nang maglabas ito ng cellphone. "Excuse me," paalam niya sabay labas ng bahay. "Bakit?" Rinig kong sagot niya sa kausap.
Si mommy naman ay lumapit sa akin."Saffron is the right man for you, Aussie. Hindi ko sinasabi ito dahil lang sa nalaman ko na mapera siya. Sinasabi ko 'to dahil alam kong hindi ka niya sasaktan. Kapag ang lalaki ay ginagastusan ka, mahal ka. Hindi siya magwawaldas ng libo-libo kahit pa na anak mayaman siya." Hinaplos nito ang aking buhok. "Alagaan niyo ang isa't-isa."
Napangiti ako. "Yes, mom. I think, he's really the right man for me."
Maya-maya pa ay seryoso ang mukha nito. "May nangyari na sa inyo?" Tinaasan ako nito ng kilay.
Nanlaki ang mga mata ko. "W-what? Mom!"
"So, may nangyari na nga sa inyo." Inirapan ako nito. "Imbes na tumanggi ka, hindi ka sumagot."
Bumuntong-hininga ako dahil nahuli na ako. "Yes, we already did it."
Huminga si mommy na para bang narelief siya. "Nakita ko rin 'yung pills sa basurahan mo nung naglinis ako ng kwarto mo. Gusto ko lang alamin kung magsasabi ka ba ng totoo." Ngumiti ito sa akin saka hinawakan ang dalawang kamay ko. "That's good that you're taking pills. Bata pa kayo, ayos lang kung may nangyari na sa inyo dahil hindi ko naman kayo mapipigilan kahit anong tutol ko. Kinausap kita tungkol sa usapin na 'yan para pangaralan ka at turuan."
Napayuko ako. "Opo," nahihiyang sabi ko.
"Huwag mong kakalimutan ang uminom. Pakiusap, ayoko pang magkaroon ng apo." Nagmamakaawang ani nito kaya hindi ko maiwasang mapanguso.
Pumasok ulit si Saffron. "Tita.." tawag nito.
Lumingon si mommy sa kaniya. "Oh, why?"
"Pwede ko po bang isama si Aussie sa bahay? Tumawag po 'yung kaibigan ko. Mag-cecelebrate raw po kami sa bahay."
Ngumiti si mommy sa kaniya. "Sure." Tumingin sa akin su mommy. "Doon ka na matulog, Aussie." Saka ito lumapit sa akin para bumulong. "Kasasabi ko lang. Huwag mong kakalimutan," pinanlakihan ako nito ng mga mata.
Sabay kaming lumabas ng bahay ni Saffron. Hawak ko ang aking mukha dahil sa kahihiyan.
Hinawakan ako sa kamay ni Saffron. "Ano 'yon?" Tanong nito na nagpakunot sa aking noo. "Ano 'yung sinabi ng nanay mo?" Paglilinaw niya.
Biglang uminit ang pisngi ko. "Alam niya na may nangyayari na sa atin." Kunwaring naiiyak na sabi ko. "Nakakahiya. 'Yung nanay ko pa mismo ang kausap ko tungkol sa bagay na 'yon."
Nahihiya talaga ako sa kaalamang may alam si mommy. Syempre, may asawa siya at ang daddy ko 'yon. Alam niya kung ano at paano namin ginagawa 'yon. Hindi pa kami mag-asawa pero ginagawa na namin 'yon.
Mabuti na lamang na open-minded siya.
"Kung ako rin sa pwesto mo, mas pipiliin ko nalang na magpakain sa lupa kaysa pag-usapan namin ng mga magulang ko ang s*x life ko." Natatawang sabi niya.
Syempre, tulad ng gusto ni mommy. Hindi ko muna siya bibigyan ng apo. Expected na niya na may mangyayari na sa amin ni Saffron sa mga susunod na araw kapag nasa iisang bubong na kami kaya wala na siyang nagawa kundi ang pagsabihan ako.
"But, she didn't judge me. She educated me about sex." Ngumiti ako sa kaniya. "I have a best mom in the world." Pagmamayabang ko pa.
Napangiti siya at nagmaneho na lamang. Nag-uusap kami tungkol sa detalye ng condo na binili niya. Bigla tuloy akong na-excite dahil first time ko lang na mawalay sa parents ko dahil nakadepende talaga ako sa kanila. Gusto ko maranasan kung paano mamuhay ng mag-isa at wala sila.
Bumaba na ako ng kotse at naunang pumasok sa bahay ni Saffron. Nakaupo at nagdadaldalan sila nang maabutan ko. Napatingin sila sa amin nang pumitik ako sa hangin.
Nagsitayuan sila. "Congratulations, Mr. Valedictorian." Bati ni Theros.
"Congratulations, tanga. Buti, nakapasa ka pa?" Bati ni Saffron na may pang-aasar sa dulo.
"Buti nalang talaga."
Naghagalpakan sila sa tawa sa sinabi ni Theros.
"Akala ko nandito ka sa bahay mo, kanina pa kami nandito. Pinapasok na kami ng kasamabahay mo." Ani Aelius.
Nagpanggap si Haru na umiiyak. "Grabe 'yung speech ni Saffron kanina. Kinilig ako nung marinig ko 'yung pangalan ko. Special shout out," napahawak pa ito sa bibig na para bang kinikilig at pinipigilan.
Sa kusina ni Saffron, may mga iba't-ibang brand at uri ng wine na nakalagay sa wine rack. Binuksan ni Haru ang malaking freezer ni Saffron sa gilid kung saan ay puro alak. May beer, whiskey, scotch, at tequila.
Nagkaniya-kaniyang kuha silang apat. Sumunod lang ako sa kanila na magpunta ng likod bahay kung nasaan ang pool area. Mayroong bahay kung saan nakatira ang mga kasambahay. May mga pagala-gala dahil naglilinis.
Nagpatugtog si Saffron sa kaniyang cellphone. Kumunot ang noo ko nang hindi ko maintindihan ang kinakanta. Doon ko napagtanto na isa itong chinese song dahil sa pamilyar na salitang shingshang.
Napabuga ng iniinom si Theros nang marinig ang kanta. "Tanginang kanta 'yan. Ikaw lang makakaintindi niyan." Kinuha nito ang cellphone ni Saffron at nag-browse sa Youtube.
Inagaw ni Saffron ang cellphone niya. "Bakit ba 'yung cellphone ko ang gagamitin?"
Sinamaan siya ng tingin ni Theros saka dinukot sa bulsa ang sariling cellphone. "Madamot!"
Inabot sa akin ni Saffron ang hawak niyang baso. "Iinom ka?"
Kinuha ko 'yon at inamoy. "Ayoko," ibinalik ko sa kaniya ang baso. Tumingin ako kay Aelius na natigilan sa pag-inom. "Nasaan si Snow? Bakit hindi mo sinama?" Tanong ko.
Nakita ko kanina si Snow pero hindi ko na siya na-congratulate dahil nagmamadali siya. Siguro, hinahanap ang parents niya. Saka ko nalang siyang babatiin kapag nakapag-online ako. Hindi na rin kami makakapagkita dahil aalis na kami ni Saffron bukas.
"Busy," sagot nito sabay lagok.
Kumunot ang noo ko. "Ano ba ang pinagkakaabalahan niya? Wala ng klase, ah."
"May part time job."
Napatango ako at si Haru naman ang tiningnan ko. "Si Yve?" Tinaasan ko ito ng kilay nang hindi ako sagutin.
Humagalpak si Theros. "They don't talk anymore like they used to do." Kanta nito at talagang binago pa ang lyrics ng We don't talk anymore ni Charlie Puth.
Napanguso ako at hindi na nagtanong. Baka hindi na rin nag-uusap sina Theros at 'yung girl na kasama niya dati. "Ang boring niyo naman kasi kasama. Wala akong kausap."