*** "Aidan gising na..uwi na tayo..." Nagising ako sa boses ni ate Ai, dumating na pala sila. Naalala ko si Mie, wala na siya sa tabi ko siguro pumasok na sa kwarto niya. Kinusot ko lang ang mga mata ko at sumonod na sa kapatid ko, naabutan ko sila ni kuya sa labas ng bahay nag-uusap. "Wag mo na kaming ihatid, magpahinga ka na ok..mwuahh.. maaga pa tay--..ka-kayo bukas." Sabi ni ate na humalik pa kay kuya, "Ok, ingat na lang kayo...Aidan ate mo bantayan mo ha.." "Oo naman kuya akong bahala..hehe.." Umalis na kami, tapos umakbay pa sakin si ate. "Pasinsya kana bunso, hindi ka ba nainip kaka-hintay sa'min..hmmm..?" Ani nito.. Kung alam mo lang ate,hehe syempre hindi ko sasabihin. "Hindi naman masyado, nakatulog nga lang ako ang tagal niyo kasi." Sagot ko dito.. "Ahm, ate kail

