Chapter 22: RECONCILE....!!!
Agad akong umalis sa silid na yon, hindi ko kasi nakayanan ang sitwasyon. Tama naman talaga si Laura, wala akong utang na loob.
Ang lugar na ito ay walang puwang ang mahihina, naging ganon ako. Mahina, pero dahil sa kay Laura nakayanan ko ang buhay dito naging malakas ako sa laban ng buhay dito.
Pero isang pag kaka mali ang nagawa ko, sinira ko ang pag t**i wala nito sakin. Isang bagay na hindi dapat pang himasukan, yun ay ang pag-ibig.
Mali man ako sa aking nagawa, nagawa ko yun dahil sa unang pagkakataon natoto akong magmahal. Pagmamahal na sa una palang ay mali na, kasalanan na.
Alam ko rin na hindi rason ang sabihing 'nagmahal lang ako' pero yon naman talaga ang rason ko, sa mali nga lang..
Kahit malalim na ang gabi ay lumabas pa rin ako ng bahay, pakiramdam ko lang na gusto ko munang mapag isa. Kapag kasi sa loob pa rin ako ng bahay ay mangungilit lang ang kapatid ko, isa na din siya sa rason kong bakit ako gustong mapag isa.
Ngayon na talaga ako nag si-sisi, kung bakit dinala ko pa siya dito. Dahil dito naranasan niya ang mga bagay na hindi pa angkop sa kanyang edad, isang bagay na sa totoo lang ay kasalanan na.
Isang diriksyon lang ang tinutumbok ng mga paa ko, at ngayon nasa harapan na ako nito.
Ang hinala ko ay sarado na sila, pero laking luwag ng hininga ko dahil bukas pa ang tindahan nila. Bakit ako nadito sa tindahan nila at bahay? Dahil siya lang ang naiisip kong pweding hingahan ng mga dinadala at hinanaing ko sa buhay. Walang iba kundi si Lando, ang maginoo kong manliligaw.
Lumapit na ako sa harap ng tindahan, sakto namang siya ang nagbabantay nito.
"Ah anong atin..." Bigkas nito na nakayuko at abala sa kanyang ginagawa,
Dahil sa boses nito, parang bigla akong nahiya. At naalala ang mga panahong magkasama kami, at ang isang bagay na naging mitsa na tumigil na itong manligaw sakin. Kaya naisip kong umalis na lang.
"Sorry, hindi kita napansin agad.." biglang sambit nito sa likuran ko na naging dahilan para mapahinto ako at humarap dito, doon ko nakita ang malungkot na mga mata nito.
Hindi man ako sigurado na ako ang dahilan nito, pero nasisiguro kong isa na ako don.
"Ahh...." Wala akong masabi, biglang naging blangko ang utak ko. Na amin ko na kay Laura na may gusto ako dito, na sa totoo naman talaga ay mahal ko na ito.
"Sorry Aiken, sa nagawa ko sayo. Hindi ko yon sadya, hindi ko ginusto na saktan ka." Sambit nito, alam ko at nadama kong sinsiro ito sa kanyang mga sinabi.
Pero wala sa kanya ang dahilan, at lalong wala itong kasalanan. "Noh Lando, wag kang humingi sakin ng sorry dahil wala kang kasalanan sakin.." ang sagot ko dito.
"Pero nasaktan pa rin kita, kaya ka umiiwas na sakin. At pinag bawalan nang manligaw pa ako sayo.." malungkot na bigkas nito,
"Noh, inuolit kong wala kang kasalan Lando. Kung masasabi ko lang sayo ang dahilan pero hindi ko kaya,.." ang sabi ko dito.. napag isip isip kong hindi pa ito ang tamang panahon,
Pagkasabi ko dito, ay bigla itong nawala sa harap ko. Hindi ko yon inasahan, siguro guilty lang ito kaya palagi itong humihingi ng tawad sakin.
Baka mali lang talaga ang pagkakakilala ko dito, nasaktan din naman akong makita ko itong may kasamang babae sa mall. Pero natanggap ko naman yun agad dahil sa isang dahilan, may karelasyon ako non na si Laura kaya hindi ko ma sagot sagot si Lando dahil don.
Naisipan kong umuwi na lang, iniwasan na ako ni Lando. Kaya wala nang silbi pang manatili pa ako dito, kaya nakayuko akong tumalikod sa tindahan nila at humakbang pa alis sa lugar na yun pero may nabangga akong isang matigas na bagay.
"Ayyy...!!" Hiyaw ko..
Nawalan ako ng balanse kaya napa-tumba ako, ang tanging nagawa ko ay pumikit na lang at hintayin na bumagsak ako sa lupa.
Pero laking pagtaka ko dahil, imbis na lupa ang madama ko sa aking katawan ay dalawang bagay ang nadama ko sa aking likod.
Kinabahan man ako sa nangyari ay dumilat na ang mga mata ko, at isang mukha ang aking nabungaran. Isang mukha na matagal nang laman ng aking isipan at puso, sumila'y ang isang matamis na ngiti nito.
Napaka gwapo niya talaga, lalaking lalaki ito sa kanyang mukha na may beguti. At ma-angas na dating,
"So-sorry, .." ang nasabi ko na lang.
Ngayon ko lang napagtanto na, naka-yakap pala ito sakin. Siya pala ang matigas na bagay na nabangga ko kanina lang, at ngayon ay naka alalay na ito sakin. Na akala ko ay umalis na ito dahil sa sinabi ko dito na ako may kasalanan at hindi ito, na akala ko ay na-guilty lang ito dahil sa nakita ko itong may kasamang iba.
"Hey, ayos ka lang ba..?" May pag alala ang boses nito.
"Ah--...Oo.. o-okey lang ako..ahmm.." naisip kong bitawan na niya ako, pero malaking pag-tutol ng katawan ko..
"Talaga,.?." ang sagot nito na parang hindi ito naniwala..
"O-Oo,.." sambit ko din, bakit ako nauutal ngayon..
Ngumiti lang ito sakin at inalis na niya ang isang braso nito na naka alalay sa likod ko, isang bahagi ng pagkatao ko ang tumotol sa ginawa nito. Pero ginawa lang pala niya yon para ma alalay'an niya akong ma igiya pa upo sa isang pahabang upoan nila dito sa gilid ng tindahan nila.
Pinaupo na ako nito, at pa harap naman sakin itong umopo. "Ok ka na..?" Ang tanong nito ulit, hindi ko napigilan ang paghaplos nito sa pisngi ko na sana ay iniwasan ko subalit sa kalaunan ay nagustuhan ko naman.
"Sinabi ko na yan kanina pa Lando.." hina-luan ko na nang inis ang sinabi ko dahilan para kahit kunti ay mapag-takpan ko ang kilig sa puso ko, ewan ko ba kong bakit ito ang naramdaman ko.
Pinipigilan ko ring 'wag ngumiti, feeling ko kasi kapag ngumiti ako ay panigurado pu-pula ang buong mukha ko. At malaman niya pa na uminit pa ang mukha ko dahil nakahawak ito sa pisngi ko. Corny na kung corny basta yon ang nadarama ko ngayon.
"Ahmm ok, pwede ko bang malaman kong bakit ka nandito.." tinanggal na nito ang kanyang palad sa pisngi ko, nakaramdam ako ng maluwag na paghinga sa baga ko.
"Pweding 'wag ko na lang sabihin..?!hehehe.." sagot ko dito..
"Hmmm, sa pagkakaalam ko ay hindi maaari yon.. pero..!! Dahil malakas ka sakin ay,...ok wag mo na lang sabihin.." nakangiti itong sumagot.. nahawa pa tuloy ako at ngumiti na rin,
".....salamat Lando.." sabi ko bigla...
"Wala yon, malakas ka sakin eh.." akmang susuntokin niya ako sa pisngi pero hindi naman talaga nito itutuloy.
"Malakas talaga ha..." ganti ko kuno dito, pero iba ang sakin. Tinamaan ko talaga siya sa pisngi, dahil sinadya ko talaga yon...
"Malakas na malakas talaga... At...." Biglang prino nito sa kanyang sasabihin..
".....alam ko na kung ano talaga ang pinunta mo dito...!" Tuloy nito sa naudlot nitong sabi..
Wala akong idiya kong talaga bang alam niya, kahit ganon man ay kinabahan ako ng konti hindi pa pala ako handa para sabihin ko dito.. huminga ako ng malalim tapos sinagot ito..
"...a-ano naman kung ganon..?" Kinakabahan na tuloy ako..
"Hehe, para kang natatae diyan..hahaha " nakuha pa nitong mang asar..
"Ano nga..?!!" Inis ko kuno..
"Ito..." Turo niya sa mukha niya na tinamaan ng suntok ko, sigurado naman akong hindi siya nasaktan dahil hindi naman yon kalakas-an ang pag-suntok ko..
"Ano nga sabi...eh.." tapos binigyan ko siya ng inis look..at kilay ng isang maldita..
"Ang saktan ako...huhu..." Hinawakan niya pa ang pisngi nito at may pa iyak iyak pa..
"Sira...!!" Napa tawa tuloy ako sa ina-asta nito,
"Yan, tumawa ka na rin... Ones in a blue moon yan..." Hindi na talaga nawala ang ngiti sa labi ko, natanggal na ang sikip at bigat ng dinadala ko hindi ako nagkamali ng pinuntahan.
"Puro ka talaga biro, maiba ako Lando. Bakit malalim na ang gabi ay bukas pa rin ang tindahan niyo.?." pag iiba ko ng usapan namin, na sa totoo lang ay gusto ko. Maaga pa ako bukas baka hindi na ako makatulog kapag pina-tagal ko pa dahil kilala ko na siya, kilalang kilala..
"Ah...kakauwi lang kasi ni tatay, nandyan sila sa loob kasama ng mga kaibigan nito nag inuman. Hindi mo lang napansin." Paliwanag nito..
"Ah, hmm salamat sa oras Lando. Uwi na ako dahil may pasok pa ako bukas.." tumayo na ako at nag paalam..
Tumayo na rin ito, "hatid na lang kita,.." present-a nito,
"Noh, wag na.. may tindahan ka pang binabantayan.." awat ko dito..
"Madali lang yan, wait ka lang saglit lang ito." Sabi nito at biglang umalis sa harap ko para i-sara ang tindahan nila at saglit lang nasa harap ko na naman ito..
"Tara..!!?" Masayang sabi nito..
"O-Ok..." Tanging na sagot ko, at nauna nang naglakad..kasunod siya...