Chapter 33: pag-tanggap sa kamatayan..!! Hilong-hilo ako na bumagsak sa sahig, hindi ko nakita ang taong pumalo sakin sa ulo. Hindi agad ako naka-galaw dahil don, umikot man ang paningin ay nakiramdam ako. Salamat na rin at hindi ako nawalan ng malay, kitang-kita ko si ate Laura sa banyo. Sa ayos nito sigurado ako naka-gapos siya. Hindi muna ako gumalaw, masakit pa rin ang ulo ko na tinamaan ng matigas na bagay. Hindi ko makita ang taong may gawa sa'min nito, pero nararamdaman ko siya sa tabi ko. Pumikit ulit ako, pinakiramdaman ang tao. Narinig kong humakbang ito kaya dumilat na naman ako, hindi naman siguro niya mapapansin. Umupo na naka-palaka ang lalaki sa harap mismo ni ate Laura, hindi ko makita kung ano ang ginawa nito kay ate Laura. "Nasaan si Aiken..!!" Narinig ko na lang a

