Rinoa's POV Libo-libong kulog ang dumalo sa puso ko nang magtama ang mga mata namin ni.... "Nathan?" My jaw dropped. Napakurap-kurap ako. I thought it was from Gerald. "Sana nagustuhan mo." Nathan smiled. Lalong nagwala ang puso kong hindi na magkandamayaw sa gulat. Awang pa rin ang labi ko, habang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. "Ano 'to? What's up?" Dikit ang kilay ko nang libutin ko muli ang paligid. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ang sabi mo sa 'kin, hiling mo nung birthday mo, sana makatanggap ka ng maraming sulat mula sa 'kin." Nagkibit-balikat siya. "Hindi man ako ang nagpadala ng mga sulat para sa 'yo, noon, handa naman akong padalhan ka ng libo-libong sulat para makabawi sa 'yo." Hinampas ko ang dibdib niya. I couldn't help but to chuckled. "Ano ba, Nathan? Di ba sabi ko s

