"Iyan ka nanaman." Bumuga siya sa hangin. "Kung ano-ano nanaman sigurong naiisip mo." "Saan ka nga galing?!" I stood in front of him. Kahit nangangatog ang mga binti ko, pinilit kong tumayo. "Sa bahay namin. Hindi kasi umuwi si Paula kaya tinulungan kong maghanap si papa." My lips parted. "Why didn't you tell me?!" "Natutulog ka diba?" Lalo akong nainis sa bored niyang tingin sa akin. I punched his chest. "You could wake me up!" "Ayokong abalahin ka." He sighed. "Ano ba? Pati ba ito, gagawin na rin nating issue?" Umiling-iling siya at nilagpasan ako. Sinundan ko siya papuntang kusina. Gustong-gusto kong sapakin ang mukha niya; I just controlled myself. "I'm just asking." I defended myself. "Asking, 'tapos sumisigaw; puta." "Edi sorry!" "Oo na. Wag ka ng maingay. Kumain ka n

