Halos lumundag ang puso ko sa narinig, pero bigla rin itong nadapa nang mapagtantong si Jasper pa ang lumapit sa akin, sa halip na si Gerald ang mag-abot. "Where is he?" Nilibot ko ang paningin. Maybe he was just watching me from afar. "Na sa library; busy." Tinignan ko ang box of brownies na hawak ni Jasper, nagdadalawang isip kung kukuhanin ito. "P-pakisabi thank you." Nanginig ang mga kamay ko nang kuhanin ang box. "Mama niya raw ang may gustong bigyan ka niyan; kaya wag ka raw sa kanya magpasalamat." "He said that?" Jasper nodded. Parang biniyak ang puso kong takang-taka na sa pag-iwas ng kaibigan kong si Gerald. "Mauna na 'ko ha." Jasper turned his back on me. "Wait." I stopped him. Muli niya akong tinignan. "Ano bang problema ni Gerald?" Halos magdikit na ang kilay ko

