Rinoa's POV Gerald, wag mo na ulit akong daanan ngayong umaga ha. Hehe! Kasabay ko si Nathan. Ingat ka papasok! Kanina ko pa tinititigan ang huling chat ko kay Gerald. Hindi ako mapakali lalo't wala siyang kahit isang reply. It was very unusual of him not to leave a message for me. Nakakapagtaka lang at hindi niya ako kinulit. "Rinoa, okay ka lang?" Napatingin ako kay Nathan. Magkatabi kami sa ilalim ng isang puno sa school park. Buti na lang nagkasabay ang vacant namin kaya nakapagkita kami. I smiled and nodded. Napansin ko ulit ang mga sugat sa gilid ng kilay at labi niya. "Ano ba talagang nangyari riyan?" Nanatili ang tingin ko sa mga sugat niya. "Wala nga. Napagtripan lang ako ng mga tambay sa amin." "Why naman?" My brows furrowed. "Ewan ko sa kanila." He shrugged. "Hayaan n

