"Bullshit!" Pinatay ko ang call. I took a deep breath. Dahan-dahan kong tinungo ang bintana ng kwarto ko, kung saan tanaw ang front gate namin, pati na rin ang labas nito. Hinawi ko ang maliit na parte ng kurtina. Natigilan ako sa paghawi nang natanaw ko na siya. Nakatayo nga siya sa harap ng gate. Hindi ko siya gaanong makita, pero naaninag ko ang katawan at tikas niya. May hawak siyang payong na medyo tinatangay-tangay ng hangin. Hindi ko makita ang mukha niya, pero naramdaman ko ang lungkot habang nakatayo siya roon sa dilim, umuulan na tila nakakanginig ang bawat hampas ng malamig na hangin. Nag-vibrate ang phone ko. He texted me. From: Nathan Pakiusap Rinoa, nagmamakaawa ako sa 'yo. Suminghap ako. I squeezed my eyes close as every conscience hugged my heart. Pumadyak ako sa gig

