"Gerald." Ngumiti si Nathan pero mas matalim pa sa kutsilyo ang mga mata niyang nakatitig kay Gerald. "Ikaw pala." Gerald clenched his jaw. "Ako nga. Kamusta?" Kumunot lang ang noo ko, habang pinagmamasdan silang magtinginan. Kulang na lang may lumabas na apoy sa mga mata nila. "Okay lang. Masaya," Nathan chuckled teasingly. "Ikaw?" He shrugged. "Masaya rin, bago kita nakita." "Gerald," awat ko nang bigla siyang magsalita nang hindi kaaya-aya. "Pareho pala tayo ng naramdaman pare." Sarkastikong tumawa si Nathan. "Nathan, tara na." Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Nathan, pero tinignan niya lang ako. "Anong klaseng tingin iyan?" Umiling-iling si Gerald. Nanginig ang kamay ni Nathan, naramdaman ko iyon mula sa palapulsuhan niya. Niyukom niya ang kamao niya kaya tinakpan ko iyon ng

