Days before his birthday Gerald's POV "Pupunta lang ako kina Rinoa." Nagpaalam ako kay mommy, bago ako sumakay sa kotse ko. Ilang araw ko na siyang hindi nakita. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako gaanong didikit sa kanya, pero tangina, nakaka-miss kasi siya. Nang makarating ako sa kanila. Ang mommy niya ang bumungad sa akin. "Tita, hello po." Abot langit ang ngiti ni tita nang makita ako. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. "Gerald, napadalaw ka?" "Ah na-miss ko lang po si Rinoa, tita. Nandiyan po ba siya?" "Naku kaaalis lang, sayang. Inutusan ko siyang bumuli ng ubedesal sa bakery sa kanto, pero babalik din agad iyon. Halika, pasok ka muna." Napakunot ang noo ko, may tricycle kanina na dumaan sa kotse ko matapos akong pumarada sa gilid. "Tita, nag-tricycle lang po siya?"

