PINILIT NA ngumiti ni Selestina habang binubuhat ang anak. Pagkatapos ng buong araw, si Elijah ang tanging nagpapagaan ng lahat ng bigat sa dibdib niya. Pero ngayong gabi, ramdam ni Selestina ang kaba na hindi niya maitatago. Nakaupo si Elijah sa sofa, nanonood ng cartoons habang inaayos niya ang gown, isang simpleng black silk evening dress na ipinadala ni Logan sa condo niya kanina ang kanyang suot. “Mama, bakit ang ganda mo?” tanong ng bata, nakatingala sa kanya at tinatapik ang damit niya. Natawa siya ng mahina. “Because Mama has to go somewhere important with her boss, sweetheart.” “Si Boss gwapo po?” inosenteng tanong ni Elijah. Napaatras siya sandali. “Huwag mo ngang tawaging gwapo ang boss ko,” biro niya, sabay dampi ng halik sa noo ng anak. Pero sa loob-loob niya, lalo lang b

