Chapter 19: Runaway

1064 Words

HALOS HINDI na niya maihakbang ang kanyang mga paa habang pilit umaakyat sa hagdan. Nanginginig ang kanyang tuhod, at tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi na parang hindi na mauubos. Hindi man lang niya nilingon si Rogue na nakabagsak pa rin sa sahig, umuungol at walang lakas. Pinili niyang hindi ito tulungan, wala na siyang pakialam kung mamatay man ito roon. Gumapang siya papunta sa walk-in closet, binuksan iyon at nagmamadaling inilabas ang isang maleta. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinupuno iyon ng mga damit, kasabay ng walang tigil na pag-iyak at paglalabas ng sama ng loob. Sa kanyang isip, paulit-ulit ang sumpa niya kay Rogue. Kung maaari lang, gusto na niyang mawala ito sa mundo. Nang matapos siya sa pag-aayos, marahan niyang isinara ang maleta at umupo sa gilid ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD