LUMABAS SI Rogue ng condo na mabigat ang dibdib, bawat hakbang ay parang may bakal na nakasabit sa mga paa niya. Mabigat ang pinto nang sumara sa likod niya, pero mas mabigat ang mga salitang iniwan ni Selestina. “Then maybe it’s time you learn how it feels.” Mariing kinuyom ni Rogue ang kamao, pilit pinipigilan ang pagbalik ng emosyon na kanina pa niya pinipigilan. Hindi siya sanay na tinatanggihan, lalo na ng isang babae. Pero ngayon, hindi lang siya basta tinanggihan, pinagkaitan siya ng karapatang mahalaga para sa kanya. His son. Elijah. Pagpasok niya sa sasakyan, napasandal siya sa upuan at pinikit ang mga mata. Paulit-ulit na bumabalik ang eksena sa isip niya, ang mga luha ni Selestina, ang sakit sa boses nito, at ang pagkakabanggit ng lahat ng panahong wala siya. At iyon ang pin

