"HINIHINGI NIYANG pakasalan mo siya?!" halos sabay na sigaw ni Mira at Hannah sa loob ng café. Muntik pang mabitiwan ni Mira ang tasa ng kape, habang si Hannah ay nanlaki ang mga mata na para bang may nasaksihan na malaking iskandalo. Halos lahat ng tao sa loob ay napalingon sa kanila. "Pakihinaan n'yo nga ang boses ninyo," mabilis na awat ni Selestina, sabay pilit na ngumiti sa mga taong nakatingin at nagbubulungan. "Unang-una, sinundan ka niya kung saan-saan," mariing banggit ni Hannah habang itinuturo ang isa-isa, "tapos kung anu-anong kalokohan ang ginawa sa 'yo sa gabi, pinatawag ka sa bahay niya, may ginawa na naman… tapos ngayon, inalok ka pang magpakasal?!" Halatang hindi ito makapaniwala. "My dream guy," biglang sambit ni Mira na nakatitig sa kawalan, para bang iniimagine na

