Kasalukuyang inaayos ni Trisha ang mga bagong diliver na bulaklak sa shop niya. Isa siyang may-ari ng flower shop malapit sa plaza ng isang malayong bayan sa Manila. Malaki din ang kinikita niya dahil karamihan sa mga bumibili ay ang mga magkasintahan na namamasyal sa plaza. At mga ama na bumibili para i ibigay sa mga asawa at anak nilang babae. May mga nagpapagawa din sakanya ng bouquet, sila na ang pipili ng mga bulaklak at aayusin balang niya. May mga nagpapagawa din para sa mga patay kaya masasabi niyang swerte parin siya sa negosyo kahit maliit lang ito. Gustong-gusto kasi nila ang benta niya dahil laging sariwa, pano naman eh laging nauubos.
Hindi na siya kumuha ng makakasama dahil maliit lang naman ang shop niya, saka kailangan niyang makaipon para sa anak niya. Naupo si Trisha sa mesa na nasa labas ng shop at masayang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro kasama ng mga magulang nila. Napapangiti siya dahil ang saya saya nilang tignan.
Bagay na hindi niya maibigay sa anak niyang si Brayll. Ang buo at masayang pamilya, ang makasama ng anak ang kanyang ama. Dahil malabo na itong mangyari sa buhay nilang mag-ina.
Noong bata pa si Trisha madalas na tinatawag siya ng mga kaklase at kalaro niyang bastarda. Dahil wala siyang ama at ang ina na lamang niya ang kasama niya sa buhay at napalaki sakanya, si Mrs. Mercedes. Dayuhan sila sa Manila at doon na pinanganak at lumaki sa Trisha, nagtrabaho sa isang ospital ang kanyang ina bilang nurse para matustusan ang pangangailangan niya. Kumuha din ito ng mag-aalaga sakanya noong bata pa siya kaya walang nakikita ang mga tao na padre de pamilya sa bahay nila.
Lumaki siyang mapagmahal, masipag, mapagmahal at matulungin sa kanyang ina. Noong nagaral na siya ay lalong dumami ang nagaalipusta sakanya. Bakit daw ang mama lang niya ang kasama niya, bakit daw wala siyang papa.
Naranasan din niyang makipag-away dahil dito, sinabunutan niya ang kaklase niyang nambully sakanya. Hindi naman niya iyon sinasadya, nagalit lang siya dahil hindi na huminto ang kaklase niyang nang-aasar sakanya. Dahil sa ginawa niya ay pina guidance siya at pinatawag ang kanyang mama. Pagkauwi nila sa kanilang bahay ay kinausap siya ng kanyang ina.
"Bakit mo naman ginawa iyon anak, diba bad iyon", tanong ng kanyang ina.
"Mama, masakit na po kasi sakin na lagi nila akong pinagsasabihan ng bastarda, na wala daw akong papa, hindi daw ako love ng papa ko", iyak na sabi niya.
"Anak ilang beses ko bang sasabihin sayo na patay na ang papa mo, iyon ang sabihin mo", sabi ng kanyang ina at pati na rin ito ay umiiyak.
"Mamaaaa", ang hagulgol niya at saka yinakap ang kanyang ina.
"Tahan na sorry anak ha diko sinasadya na maaapektuhan ka", ang iyak ng kanyang ina.
Nananatili siyang nakayakap sa kanyang mama hanggang sa namamalayan na niyang inaantok na siya. Pagkatapos niyang umiyak ay bigla nalang siyang inantok kaya itinulog nalang niya sa balikat ng kanyang ina.
Ng alam na ng mama niyang mahimbing na siyang natutulog ay hiniga siya nito sa kanyang kwarto at tinaggal ang sapatos nito saka na lumabas na ang kanyang ina.
Makaraan ng ilang oras ay nagising na siya, nagbihis na at saka na lumabas ng kwarto. Napalingon siya sa pintuan ng kwarto ng kanyang ina at lumapit siya dahil naririnig niyang may kausap ito.
"Kuya hindi ko na alam ang gagawin ko, nasasaktan ako tuwing inaasar nila si Trisha", wika ng kanyang ina habang umiiyak.
May kausap ito sa cellphone at alam niyang ang tito niya sa probinsya iyon. Silang dalawa nalang ang naiwang magkapatid at ang tito lang niya ang dumadalaw sa kanila. Hindi pa niya naranasang pumunta sila sa probinsya, ang rason ay hindi niya alam.
Naiiyak siya habang naririnig ba umiiyak ang kanyang ina, hindi niya alam kung ano ba talaga ang pinagdadaanan ng mama niya. Tuwing nagtatanong siya kung nasaan ang papa niya ay umiiyak ang kanyang ina. Hindi man nito sabihin ay alam niyang nasasaktan ang mama niya.
Nagpakatatag siya laban sa mga sinasabi sakanya pero hindi niya maiwasan ang nga taong mapanghusga kung kaya naisipan na ng kanyang ina na iuwi siya sa lugar ng kanyang tito pagkatapos niyang makagraduate ng elementarya.
"Mama hindi ko kayang malayo sayo", ang iyak niya habang nakayakap sa kanyang ina at ayaw na niyang bumitaw.
"Kailangan nating gawin ito anak para sa kapakanan mo, ayaw kong lumaki ka sa mundo ng mga taong mapanghusga. Ang bata mo pa para maranasan ang ganitong sitwasyon, kaya natin anak ha", pagpipigil iyak ng kanyang ina.
"Mama I love you, pasyalan mo ako ha mama", ang patuloy na iyak niya.
"Oo promise papasyalan kita, I love you too", wika ng kanyang ina sabay halik sa kanyang pisngi.
Kusa na siyang sumama sa tito niya, sinundo kasi siya nito dahil hindi maharap ng mama niyang ihatid siya sa probinsya dahil busy ito sa trabaho.
Pasukan na ng High School at pina enroll siya ng kanyang tito sa Mayombo National High School, isang paaralan sa isang bayan sa probinsya ng Pangasinan. Mahal siya ng pamilya ng tito niya at itinuring siyang tunay na anak nila. Mabait ang asawa nito at dalawa niyang pinsan na mas bata pa sakanya kaya tinuring siyang panganay na anak sa pamilya. Nagpapadala nalang ang kanyang mama ng allowance niya at hindi naman ito nagkukulang sakanya.
Hindi din naging madali ang pinagdaanan ni Trisha, dahil sa trauma sa pambubully sakanya ay hindi na siya palakaibigan. Mas gusto niyang mag-isa kesa makisalamuha dahil baka kapag nalaman nila ang totoo niyang pagkatao ay lalayuan din siya. Lumipas ang dalawang taon niya sa high-school at nagpapasalamat siya dahil payapa na ang pag-aaral niya.
Hanggang sa isang araw habang nakaupo siya sa bench ng kanilang school ay may tumawag sa kanyang pangalan.
"Pssst! Trisha Rocaforte!", ang tawag ng lalaki sa kanya.
Pero hindi na niya iyon liningon at hinayaan nalang na mapagod ito sa pagtawag sa pangalan niya. Wala siyang pakialam, kung may gusto itong sabihin dapat lumapit ito sakanya.
"Hoy bastarda!", ang sabi ng lalaki ng lumapit ito at umupo sa tabi ni Trisha.
Dahil sa inis ni Trisha ay binatukan niya ng malakas ang lalaki at saka umalis at iniwan niya itong namimilipit sa sakit.
Ng mga sumunod na araw ay palagi siyang sinusundan ng lalaki, hindi naman niya ito kaklase. Sa kabilang room ang klase ng lalaki pero kabag nakikita nito na mag-isa si Trisha ay linalapitan niya.
"Ano ba kasing kailangan mo huh!", ang inis na sabi ni Trisha ng minsang sundan siya ng lalaki sa canteen. Kasalukuyan na siyang kumakaen.
"Ako si Bryan, at ikaw si Trisha diba", ang sabi ni Bryan.
"Pano mo nalaman ang tungkol sakin?", ang nagtatakang tanong niya
"Simple lang, nagresearch ako", ang sagot ni Bryan.
"Eh yung bastarda na tinawag mo sakin, pano mo yun nalaman?", tanong niya ulit.
"Secretttt", ang nakangising sagot ni Bryan sakanya.
"Please naman huwag mo ng ipagkalat ang tungkol dun. Alam mo naman siguro kung bakit ako lumipat dito diba?", ang paki-usap niya
"Oo naman alam ko, pero hindi ko ipagsasabi sa isang kondisyon", tugon nito
"Ano? Lahat gagawin ko basta huwag mo lang ipagkalat", paki-usap muli niya
"Nakikita mo yung dalawang yun?" ang tanong ni Bryan sabay turo sa masayang kumakaen na sina Lester at Cindy. Tumango naman siya bilang sagot.
"Kailangan mong akitin yung lalaki si Lester, at kailangan magselos yung babae si Cindy", ang patuloy nito.
"Bakit ko naman gagawin yun eh bagay naman sila. Ano ako panira?", mataray na tanong niya.
"Kung hindi mo gagawin bahala ka", ang sabi ni Bryan sabay tayo sa kinauupuan niya.
"Teka teka ito naman para lang nagtatanong, kailan ba ako magsisimula?", tanong niya.
Umupo naman ulit si Bryan at lumuwang ang ngiti nito sakanya. Napatingin din siya sa mukha ng binata, gwapo ito at mukhang may lahi na foreigner dahil sa tangos ng ilong nito at mapungay na mga mata.
"Ikaw kung kailan mo gusto basta sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi, malalaman ng buong kaklase mo ang tungkol sayo", ang pagbabanta ni Bryan sakanya.
"Tanong ko lang hah, bakit gusto mo silang maghiwalay?", tanong niya.
"Hindi naman sila, pero type ko si Cindy at gusto ko magkatampuhan sila ng Lester na yun", sagot naman ni Bryan.
Kinabukasan, ng makita nga ni Trisha na dumaan si Lester mag-isa ay linapitan niya ito at humawak sa balikat ng binata. Nag pasweet pa siya para halatang may gusto talaga siya kay Lester. Nakita niya na sumilip si Cindy mula sa pintuan ng kanilang room at halatang nagselos ito dahil sumimangot ng makita ng dalaga ang ginawa niya.
Pagkatapos nun ay naguilty siya, hindi naman niya dapat ginagawa iyon pero nakasalalay doon ang dignidad niya. Kinausap na siya ni Bryan na umepekto nga ang ginawa niya dahil umiiwas na si Cindy.
Pero hindi nagtagal ang pagtatampuhan ng dalawa kung kaya inutusan siya ulit ni Bryan. Sa JS Prom ay mag aartista na naman siya, at kailangan na naman niyang sulutin si Lester.
"Hay naku Bryan talaga", ang nasambit nalang niya.
Ginagawa na siyang panira, bakit kasi siya pa ang nadiskitahan ng lalaking ito eh madami namang babae sa campus nila. Pwede din ang mga kaklase nito bakit pa siya.
Lumapit nga siya ulit kay Lester, at tulad ng inaasahan niya ay nagselos ulit si Cindy. Naisip tuloy niya na nagkaroon na siya ng kaaway dahil sa ginagawa niya. Hay naku napakahirap namang ingatan ang dignidad niya, ayaw lang niyang mabunyag ang pagkatao niya ay heto siya at mananakit ng damdamin ng iba.