CHAPTER 14

1207 Words
Chapter 14 Buong gabi akong nakatitig sa mukha niya. Ang tagal na nang panahon na nangyari ‘yon, pero kahit sa sa mga sandaling sa pangyayari na ‘yon ay hindi ko makalimutan. Kung paano sila mag halikan, paano siya mag sinungalin at kung paano sila pumunta sa isang hotel. Napuno ako ng insecurities ng mga panahon na ‘yon, pakiramdam ko ay walang tatanggap sa’kin kung sino talaga ako kaya mas pinili ko mag bago. Kasabay ng paninirang ginawa sa’kin ng tinuturing kong mga kaibigan. Mas lalong lumalala ang insecurities ko, nag iba ang ugali ko pati na rin ang trato ko sa lahat. Maliwanag na, luto na rin ang sopas na ginawa ko kanina pati na rin ang pag kain namin ngayon. Naparami ang inom niya, kaya sigurado akong masakit ang ulo niya kaya’t mas mabuti kung ako nalang ang gumawa ng Gawain. “Hindi ka pa mumulat?” aniko. Alam ko na kanina pa siya gising, pikit na pikit na ang mata niya kumpara kung paano talaga siya matulog na medyo naka-dilat. “Hindi ka pa ata tapos sa pag tingin sa mukha ko” naka-ngisi niyang sabi bago niyakap ako ng mahigpit. Hindi na ako pumalag sa ginawa niya at binaon nalang ang ulo ko sa dibdib niya. Siguradong pag naka-uwi na kami hindi na kami madalas mag kita. Kung bibilangin ko ang weeks na nag stay siya sa tabi ko ay isang buwan na rin. Sa pagka-aalam ko ay tatlong buwan lang pwedeng matengga ang isang sea fearer para ayusin ang requirements, at kung hindi sila sasampa ay may possibility namahirapan ulit sila sa pag pasok. “Himala, ang aga mo ata magising?” aniya. “Sadyang mahaba lang ang tulog mo ngayon. Bumangon na tayo,” pagsusungit ko, at kumawala sa yakap niya. “Lalamig na ang niluto ko” Napangiti siya ng malawak sa sinabi ko. Lumabas na ako ng kwarto at hinayaan siyang mag-ayos, kailangan ko nang lasapin ang natitirang tatlong araw na nandito ako, kaya naman mamaya ay maliligo ako sa dagat. Walang maka-pipigil pa sa’kin. Hindi na siya nag tagal, wala siyang damit pang-itaas na lumabas ng kwarto namin. Dumiretso siya sa kusina at nag bukas ng makakain. Sumunod na ako sa kanya, kahit kumain na ako kanina ng sopas ay gusto ko pa rin kumain. Pag nasa manila na ako, purge nanaman ako ng itlog at sardinas. Kung mamalasin pa na tinotopak si papa ay kape pa ang ma-uulam. “Gumaling ka na sa pag-lulutp mo” papuri niya at dire-diretsong sumusubo ng sabay ng sopas na nasa harap niya. Tintigan ko lang siya, nakakain kaya siya nang maayos na pag-kain sa tuwing nasa barko? Mahirap ang trabaho niya, buwis buhay at walang kasiguraduhan. Minsan, may nakikita akong balita sa TV na may sea fearer na nawawala. Impossible ‘yon, Nasa loob lang sila ng barko, kaya impossible na magiging msssing sila at possibility kung hindi sila mahanap ay may nag tapon sa kanila sa dagat. Kahit na sabihin madali ang asenso sa loob ng barko, buhay naman ang binubuwis ng mga sea fearer. “Gusto ko maligo” aniko. “Sa cr? Tara, sabay tayo” may kahulugan niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin, napangisi naman siya “Joke lang” bawi niya. Kahit kalian talaga ay malibog ‘tong lalaki na ‘to. hindi pa rin nag babago at mukhang mas lumalala pa ngayon ang ugali niya. “Umayos ka” pagbabanta ko. Hindi na siya umimik. Pag tapos kumain ay nag-ayos na ako, gusto ko ng mag babad sa tubig. Pagtapos nitong bakasyon dito ay ilang taon nanaman bago ako maka-punta sa dagat. Wala naman ganito sa manila, puro’s swimming pool lang ang meron. Kung pupunta naman sa dagat ay madalang lang dahil malayo ang pwedeng puntahan na dagat. Sports bra, short-short at nakatali ang buhok ko na tumakbo sa dagat. Medyo maalon pero hindi sobrang nakaka-tangay sa malalim. Nilibot ko ang paningin ko, may tao sa hindi kalayuan.  Siguro sila ang mga Marine student pati si Cindy, pero kung ibabase sa katawan ni Cindy ay parang hindi naman siya marine. “Anong iniisip mo?” tanong niya.              “Wala lang, may nakilala lang akong babae. Naalala ko lang siya bigla,”  sabay layo sa kanya. “Hindi na ba masakit ang ulo mo?” nag-aalala kong tanong sa kanya. Umiling lang siya bago hinila ang kamay ko, at hinila papunta sa malalim. “Hindi ko na gawang turuan ka dati lumangoy” “Paano puro ka landi” asar ko sa kanya. Hindi niya kasi ako tinitigilan dati at laging nakakapit sa bewang ko, kaya naman imbis na turuan ako ay mas pinili niyang yakapin ako sa swimming pool. “Paano nilalandi mo ‘ko” pag-rarason niya. “Nag palandi ka naman” natawa nalang kaming parehas. Nakakapit lang siya sa bewang ko, samantala naman ako ay nakakapit sa kamay niya. Nag paanod nalang kami sa alon, habang magka-hawak ang kamay. “Sabihin mo nga ang totoo, Miguel” seryoso sabi. “Ano?” “kalian ka sasampa?” napaiwas naman siya kaagad at humigpit ang hawak niya. “Baka 2 weeks pagtapos natin umuwi. Isang taon ang kontrata ko, kailangan kong tapusin ‘yon” tumango-tango ako. Tama pala ang sabi ni Rio, ang kapatid ni Ria. Na halos hindi na bumaba ang isang ‘to sa barko. Siguro ay lagi ‘tong pagod at nag trabaho kaya na offeran ng isang taon. “Ganon ba?” tumango siya. “Wag ka mag-alala, hindi naman kita iiwan nang ganon nalang. Kasal na tayo, may tiwala ako sa’yo na hindi ka maghahanap ng iba habang wala ako. Tsaka, walang babae do’n, kung inaalala mo ang loyalty ko sa’yo wag ka mag-alala. Hindi ko sasayangin ang chance na binigay mo sa’kin.” Paninigurado niya. Hindi naman ‘yon ang problema. Mabilis ako ma-attach sa tao, kaya naman mabilis din ako masaktan. Siguradong mahihirapan ako mag adjust habang nasa malayo siya. “At kailangan ko sumampa agad, para sa graduation mo nandito ako.” Napangiti ako. Graduation ko pala ang inaalala n’ya hindi ang mag celebrate ng pasko kasama ang magulang niya. “Sabi mo ‘yan” paninigurado ko. Tumango siya at hinila ako ulit papunta sa ilalim. “Lusong tayo. 1. 2. 3.” Sabay kaming lumusong sa ilalim, minulat ko ang mata ko at doon ko napansin ang linis ng tubig. Halatang alaga ang dagat sa lugar na ‘to. Akmang aahon na ako ng hilahin niya ako pailalim. Napabuga ako ng hangin ng isang labi ang sumalubong sa’kin. Mainit ang labi niyang gumagalaw sa bibig ko, ginalaw ko ang labi ko at doon ko na pansin ang pag-sasalin niya ng hangin sa’kin. Malalim ang halik na binibigay niya kahit na sa ilalim ng dagat. Kakaiba talaga. Nang parehas na kaming mawalan ng hininga ay umahon na kami, nakakapit ako sa batok niya at siya naman ay nasa bewang ko. Kissing under the sea. Isa sa bucket list ko. “Mahal, may naninigas” kasabay ng pag-hila niya papalapit sa’kin. “Bastos!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD