CHAPTER 8

1534 Words
Chapter 8 "ARF ARF!" isang ingay mula sa aso ang narinig ko mula sa kalayuan para umalis sa pagkaka-yakap ni Sam sa'kin. Pamilyar ang kahol nang aso na yun. "Why?" hinanap ko kung saan nanggaling ang kahol na yun at hindi pinansin ang tanong ni Sam. Nang makita ko ang aso na niregalo k okay Catalina. Maingay itong tumatakbo habang papalapit sa pwesto ko. Basa ang kanyang balat na parang naligo sa dagat pero bat siya lang mag-isa? Umalis siya kanina kasama si Catalina, at alam ko na hindi papayag si Catalina na malayo sa kanya ang aso na binigay ko. Lumapit ako sa kinaruroonan ng aso at sumipol. Nakuha ko ang atensyon niya at mabilis na tumakbo sakin. Nakalabas na ang dila niya at halatang hinihingal na kaya imbis na hintayin pa siya ay kusa na akong lumapit sa kanya. Naramdaman ko naman ang pag sunod ni Sam sa'kin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako. Wala akong ibang pinag-sabihan na umuwi na ako maliban sa parents at sa iilan na malalapit kong kaibigan. "What happened?" buhat ko sa aso na wala pa ring tigil sa pag-kahol at pupumiglas. Parang hindi siya napapagod kahit lumalalaylay na ang dila niya sa kanyang bunganga. "Nasaan ang amo mo?" Parang baliw kong tanong sa kanya ng akmang kakagatin niya ako ay agad ko rin siyang nabitawan. Mula sa buhangin ay patuloy lang siya sa pagkahol at muling tumakbo. "Teka! Hindi pa tayo tapos mag-usap," reklamo ni Sam. Hindi ko siya pinansin at mabilis na hinabol ang aso na regalo ko kay Catalina. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyayari dito. Tumingin ako sa buong paligid. May mga istudyante sa paligid na nag training lumangoy, base sa ibang tshirt na suot ng iba ay halatang mga marine students din ang nasa kabilang banda ng isla. "Arf! Arf!" napatingin ako sa kumahol. Huminto pala ang regalo k okay Catalina at nakatingin sa'kin. Parang gusto niya ako pasunurin sa kanya. Tama. Baka nandon si Catalina. Sigurado akong inutusan siya ni Catalina na puntahan ako para bantayan siya lumangoy. Madalas kasing pumupunta si Catalina sa matataas na parte pero hindi naman marunong lumangoy o kahit mag floating manlang sa tubig. "Pre! Yung babae!" sigaw ng mga lalaki sa hindi kalayuan kung saan papunta na rin ang asong alaga ni Catalina. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ang buong sistema ko ay na puno ng kaba ng makita ang isang lalaki. Mula sa tubig ay bitbit niya sa kanyang kamay ang isang babae na walang malay. Si Catalina. Hindi ako agad maka-alis sa kinatatayuan ko, napatingin nalnag ako sa aso na binili k okay Catalina at napabuntong hininga. Yun ba ang gusto niyang iparating sakin kung bat siya pumunta sa'min ni Sam kanina pero paano? "Medic! Medic!" sigaw ng iba. Agad na akong pumunta sa pwesto nila at nanlumo sa nakita ko. Ang taong mahal ko. Walang malay at namumutla habang pinagkakaguluhan ng mga tao. "Tabi. Kasama ko siya!" agad silang nag bigay ng daan sa'kin. "Arf! Arf!" kahol ng alaga ni Catalina. "Nandyan na ang medic" rinig kong sabi ng isa kaya agad na silang nag atrasan. Wala na akong magawa, habang sinsalba ng isang medic ang taong mahal ko ay hindi pa rin natigil sa pag-kahol ang aso na binili ko. "San mo siya nakita?" tanong ko sa lalaking bumuhat sa kanya. Naka-tingin lang rin siya kay Catalina at halatang nag aalala ang mga mata niya. "San mo siya nakita?" ulit ko. Sa pangalawang sabi ko ay tuluyan ko ng nakuha ang atensyon niya. Lumingon siya sakin bago ako tinignan ng masama, "Kasama mo pala siya. bat hindi mo binantayan ng maayos!" inis niyang sabi bago tinuro ang kalayuan ng dagat "Kung hindi ko siya nakita at narinig na humihingi ng tulong siguardong wala na siya ngayon," Natameme ako sa sinabi niya. Wala n asana siya kung hindi siya nailigtas agad ng lalaki 'to, samantala ako ng nang nangangailangan siya ng tulong ay wala ako. Kasama ko ang babaeng pinagseselosan niya ng sobra at ang babaeng naging dahilan kung bat kami nasira. Agad akong lumapit sa kanya ng makitang umubo na siya at nailuwa na ang mga tubig na mga nalunok niya. "Catalina!" inayos ko ang buhok na humaharang sa mukha niya. "Sorry," sabi ko bago siya niyakap at hinalikan siya sa pisngi. Wala siyang imik. Tinulak niya ako at mabilis na tumayo bago tumakbo papalayo samin. "Catalina!" sigaw ko pero umakto lang siyang walang narinig. "Arf! Arf!" sigaw ng binigay ko sa kanya at mabilis siyang hinabol. "Maraming salamat," pasalamat ko sa medic nang isang palad at sa lalaking tumulong sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Sumunod na ako kung saan pumunta si Catalina. Alam kong sa bahay na siya pupunta dahil halata ko rin sa paa niya na hindi maayos ang pag-takbo niya. Ano ba talaga ang nangyari? Bago pa man ako makapunta sa bahay ay napansin ko pa rin ang sasakyan ni Sam na nakaparada. Bakit hindi pa rin siya umuuwi? Agad akong tumakbo sa bahay. Hindi pwedeng mag kita silang dalawa, siguradong magagalit nanaman si Catalina at lalayo nanaman siya sakin. "Catalina!" sigaw ko saktong pag bukas ng pinto pero huli na ako. Huli nanaman ako, "Nandito na ang babae mo. Pwede na ba ako umuwi?" malamig niyang sabi na hindi tumitingin sakin. Lumapit ako sa kanya. Akmang hahawakan ko ang braso niya pero agad siyang nag pumiglas at agad na kinuha ang aso na binagay ko sa kanya. "Catalina," tawag ko sa kanya pero nag tuloy-tuloy lang siya palabas ng bahay. Susundan ko n asana siya ng may mga kamay na pumulupot sa bewang ko. Si Sam, "Ano bang problema niya? Wala naman akong ginagawa eh," umiiyak niyang sabi bago hinawakan ang pisngi niyang namumula. Bakat din ang kamay na gumawa non sa pisngi niya. "Anong nangyari dyan?" tanong ko sa kanya at kinalas ang pagkakayakap niya. "Sinampal nalang niya ako bigla nang makita niya ako. Gusto ko lang naman na makilala siya pero ganon nalang ang bungad niya sakin," hindi yum kayang magawa ni Catalina. Dahil kahit anong gawin mo sa kanya, hanggat hindi siya na pupuno ay wala siyang gagawin. Unless inunahan siyang saktan. Pero sa sitawasyon namin ngayon ay hindi nga Malabo na saktan niya si Sam mas lalo na't sa nangyari dati. "Pupuntahan ko muna siya," sabi ko at lumabas ng bahay. Narinig ko ang pag sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin, Ayaw kong maulit ulit ang nangyari dati. Ayaw ko na mawala nanaman siya sakin dahil mas pinili ko si Sam kesa sa kanya. Hinalughog ko ang buong lugar, pero wala akong nakitang mga bakas niya. Malapit na rin mag dilim at malapit na ang surpresa ko sa kanya pero hindi ko pa rin siya mahanap. "Saan ka na ba, Catalina" mahina kong sabi ng isang malakas na hangin ang umihip. Mas lalong lumakas ang hampas ng mga alon pati na rin ang magandang unti-unting pag-lubog ng araw. Muli kong pinuntahan ang mga lugar kung san siya pwede pumunta. Kakaonti lang ang mga tao dito dahil sa hindi pa naman summer ay waka pang gaanong mga dumadayo. "HAHAHAHAHA" malakas na sigaw ang nakapag-pahinto sakin. Tawa ni Catalina. Agad akong pumunta kung saan nanggaling ang boses pero hindi ko rin inaasahan ang makikita ko. Naka-upo sya sa isang swing, habang ang lalaki na tumulong sa kanya kanina ay hawak ang aso na niregalo ko. Masaya silang nag-uusap, Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang pagkirot nang dibdib ko. Bat ganon. Bat ang saya niya kasama nang lalaki yan. Sa ilang lingo ko na palaging kinukulit siya, hindi ko manlang nakita ang ngiti niya nang ganon pati na rin ang halakhak niya. Nag tago lang ako sa isang puno ng niyog habang pinapakinggan ang biruan nilang dalawa. Hindi naman nakakatawa pero bat tumatawa siya. ""Arf! Arf!" nakita ko ang alaga kong aso na tumakbo sa hindi kalayuan para mahinto ang tawanan at pag-uusap nilang dalawa. "Sea! Lalayo ka nanaman," rinig kong sabi ni Catalina bago sinundan ang alaga niya. Wrong move. "Anong ginagawa mo dyan?" malamig niyang tanong sakin. Ang mga mata niya ng walang mabasang ekspresyon na nakatingin sakin. "Umuwi na tayo," mahinahon kong sabi pero hindi niya ako pinansin at tumalikod ulit bago tumakbo papalayo. Napayuko nanaman ako. Wala na akong ginawang tama kundi ang pasamain ang loob niya sakin, "Ingatan mo siya habang na sa'yo pa" nilingon ko ang nag salita. Yung lalaki kanina. "Hindi Malabo na maraming mag kagusto sa kanya. Kahit masungit siya ay iba ang pananaw niya na hindi katulad nang iba. Kung patuloy pa rin siyang iiyak sa'yo baka maisip nalang niya na iwan ka na" "Ano bang alam mo?" inis kong tanong bago tumayo para harapin siya, "Hindi naman kayo magkakilala," "Hindi nga kami mag kakilala. Pero kita mo sa mata niya na nasasaktan siya ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari at ayaw ko manghimasok pero sinasabihan na kita. Nalaman ko na seafarrer ka rin, kaya hindi malabong may aaligid sa kanya" Walang gana niyang sabi bago nilampasan ako, "Hindi rin impossible na mawala siya sa'yo kung paulit-ulit mo siyang sasaktan. Pahalagahan mo siya habang na sa tabi mo pa. bago mahuli ang lahat"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD