Alexie's POV Simula kahapon parang iniiwasan na ako ni Raymart. Nagsasalita lang siya tungkol sa trabaho at hindi na ulit magsasalita. Sa kwarto niya pa rin ako natulog kagabi pero parang wala akong kasama dahil hindi siya nagsasalita. Hindi ko alam kung normal na tao pa ba ang kasama ko hindi na. Sobrang tahimik niya at nakukulto na ko sa katahimikan niya. "Good Afternoon, bes!" masiglang saad ni Gab. Nandito sila Ayen, Gab at Andrew sa bahay dahil aalis kami para manood ng sine. Ayoko nga sanang pumayag pero nasabihan na pala nila si Cy kaya no choice ako kundi ang pumayag na lang. "Walang good sa afternoon ko kung ikaw ang makikita ko," mataray na saad ko kay Gab. Simula pag gising wala na ko sa mood at wala talaga kong gana na umalis dahil sa treatment sa akin ni Raymart pero si C

