Alexie's POV "Ready ka na ba anak?" Tanong ni daddy sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago tumango. Ito na ang araw na pinaka hinihintay ko. Ang araw na si Raymart at ako ay mag-iisa na. Dito ginanap sa bakanteng lupain ni Raymart ang kasal namin kung saan napapalibutan ng buong sunflowers ang lugar. Mga kahoy na bangko na hindi naman nipangit ng lugar. May mga sunflower pa nga ang gilid ng upuan at halos lahat ng makikita mo at puro bulaklak na lang. "Ready na po ako, dad," nakangiting sambit ko. Dahan-dahan na bumukas ang pintuan kasabay ng pagkanta ng isang sikat na singer. Humakbang ako kasabay ang daddy ko palapit sa lalaking papakasalan ko. Palapit sa lalaking magiging pamilya ko na rin. Ang magiging asawa ko at ang lalaking inalayan ko ng walang katapusang pagmamahal. "I ca

