Alexie's POV Tatlong araw ang nakalipas simula ng magka-usap kami ni daddy. Sa tatlong araw na nagdaan mas lalo ko lang nararamdaman ang pagmamahal na ibinibigay sa akin ni Raymart. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko noong past life ko at niregaluhan ako ng Diyos ng lalaking katulad ni Raymart. Noon natatakot akong magmahal dahil sa nangyari sa mga magulang ko pero ngayon natatakot na kong hindi ako mahalin ni Raymart. Natatakot ako na mawala ang pagmamahal niya sa akin. Napagtanto ko na mas nakakatakot pala ang mawalan ng nagmamahal kesa ang magmahal ng tao. "Anong ginagawa natin dito, Raymart?" Tanong ko sa kanya ng ihinto niya ang sasakyan niya sa tapat ng isang bar na RM's bar ang pangalan. Alas-otcho na ng gabi pero niyaya pa rin ako ni Raymart na mag date kaya nandito kami

