Alexie's POV Napahawak ako sa tiyan ko na may maliit na umbok na habang na nonood ako ng paborito kong cartoons. Tatlong buwan na ang nakalipas at mag-aapat na buwan na ang baby namin. Sinabihan rin kami ng doctor ko na nagiging maselan ang pagbubuntis ko bawat buwan na lumilipas dahil ito ang una kong pagbubuntis kaya kailangan na mag doble ingat kami. "Baby, pupunta muna ako sa Laguna. May problema kasi sa Power Corporation," sambit ni Raymart na kalalabas lang ng walk in closet namin. Lumabas siya na inaayos ang puting polo niya. Isa-isa niya 'yun binubutones habang naglalakad at magulo pa ang buhok niya basang-basa pa. Mukhang nagmamadali siyang pumunta sa kumpanya ko. "Teka, sasama ako," sambit ko at tumayo sa kama. "Baby, huwag na. Alam mo naman na bawal kang ma stress 'di ba?

