Alexie's POVPagmulat ko ng mata ko agad akong napahawak sa mata ko dahil sa hapdi nito. Hirap na hirap kong imulat ang mga mata ko pero pinilit ko pa rin ang sarili ko. Kakaiyak ko kagabi kaya siguro humapdi ang mga mata ko ng ganito. Mukhang namamaga pa ang mata ko dahil sa kakaiyak ko. Napakusot pa ko ng mga mata ko dahil sa kati nito. "Good morning, baby," bati ni Raymart at bigla na lang may lumapat na sa labi ko. Inalis ko ang kamay ko na nakaharang sa mga mata ko at nakita ko ang nakangiting si Raymart. Hindi ko mapigilan na mapangiti rin dahil sa nakakahawang matamis niyang ngiti. Ito ang pinakagusto ko sa umaga. Ang makita ang ngiti ni Raymart na sasalubong sa akin. "Good morning, Raymart," malambing kong sambit at naupo na sa kama namin. "Are you ok, baby?" He asked. "Yes, I'

