Hansel Lagman
Tapos na ang buwan ng Disyembre at ngayon ay enero na pero hindi ko parin nakikita si Winston sa apartment niya napangiti na lamang ako ng mapait dahil sa muling pagsipat ng kirot sa dibdib ko "seems like he’s enjoying Christmas and New year with Sofia and her family" pagkasaad ko non ay tumulo na ang luha ko masakit parin kasi eh.
Habang nasa tapat ako ng apartment ako nang apartment nagpapakaemo at bitter ay naramdaman ko ang isang bisig na pumulupot sa katawan ko.
"Iiyak mo lang yan andito lang ako para sayo, my matinee" alam ko na kong sino iyon dahil kahit ilang araw ko pa lang itong nakakasama ay nakabisado ko agad ang boses niya.
I dont know kong normal bang matatawag ang mg nararamdaman ko sa kanya mula ng makasama ko siya yung pakiramdam na nadadala ako ng damdamin niyang pagiging masayahin at para nararamadaman ko rin sa sarili ko ang pagiging masaya at yung feeling na kahit kakakilala ko palamang sa kanya ay feeling ko safe ako basta anjan siya.
Hindi na ako nag inarte pa at pumihit paharap sakanya at isinubsob ang mukha sa matipuno niyang dibdib naramdaman ko na lamang na hinahagod niya ng marahan ang buhok ko na nagpapadama saakin na may karamay ako sa sakit na pinagdadaanan ko.
Naalimpungatan ako ng bandang alas dose dahil sa ingay ng putukan, hiyawan ng mga tao at tunog ng ibat ibang pangnew year na gamit gaya na lamang ng torotot.
Bumangon ako para sana sumilip sa labas pero hindi ko inaasahan na makikita ko ang alien boy kuno na nakatawa habang may hawak na lusis. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha niya habang pinagmamasdan ang nagliliwanag na lusis na hawak niya.
Napatingin ito sa gawi ko "Babe hali ka dito ang saya pala nitong tinatawag nilang lusis. Binigyan ako kanina ng isang ale ng ilan nito" tawag niya saakin at medyo napangiwi naman ako sa pagtawag niyang babe saakin kasi nakakapanibago at nakakailang.
Lumapit ako sa kanya at halata mo sa kanya na enjoy na enjoy siya sa paghawak ng lusis na kasalukuyang mageespark.
"Heto ang sayo" saad niya sabay lahad ng lusis na hawak niya mabilis kong tinanggap ang binigay niya kasi noon ko pa gusto nitong makahawak habang may kasabay akong nagpapaupos nito.
Dinampian niya ng kamay niya ang dulo ng hawak kong lusis at bigla na lamang may apoy na maliit ang lumabas sa kamay niya at nagsimula nang maspark ang lusis na hawak ko nagulat ako sa ginawa niya at napatingin sa kanya.
Nakangiti itong nakatingin saakin at kibit balikat "powers" simpleng saad niya at kaagad ko namang naintindihan isa ulit siguro sa mga kapangyarihan niya.
Masaya kaming nagtawanan habang hawak ang nauupos na lusis sa mga oras na ito ay saglit kong nakalimutan ang problema at para bang nasa payapa ang puso ko kasi labis nq saya ang nararamdaman ko ngayon. Dinama ko ang enjoyment na dala ng pagpapaupos namin ng lusis habang hawak hawak niya ang kamay ko at ramdam ko ang init ng dampi ng kamay niya sa kamay ko na nagusuthan ko naman ang pakiramdam.
Nang maupos na nga ang lusis ay nagstay pa kami sa labas at pinagmasdan ang walang katapusang pagputok sa kalangitan ng mga ibat ibang magaganda at makukulay na mga fireworks. Buhay na buhay ang kapaligiran dahil sa ingay na nanggagaling sa torotot, paputok, hiyawan ng mga tao at ugong ng mga sasakyan na siansadya niyang patunugin para makadagdag sa ingay.
Nang pumasok na kami sa loob ay didiretso na sana ako sa kwarto para matulog ulit pero pinigilan niya ako "saan ka pupunta?" tanong niya ng papasok na sana ako sa kwarto ko.
"Ahhmmm sa kwarto ko matutulog na ulit ako ahhhmmmm sige good mornight and happ--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang hilahin ako nito at tumungo kami ng kusina at labis ang pagkamangha ko dahil sa mga pagkaing nakahain sa lamesa.
"A-ano ang mga yan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Napakunot ang noo niya dahil sa tanong ko ang dun ko lang narealize na may mali rin talaga sa tanong ko sa kanya.
"I mean is para saan ang mga pagkain na yan?" pagtatama ko sa tanong ko kanina sa kanya.
Napangiti siya na ikinagwapo naman niya ohhhh mmmyyyy gosshhhh hindi hindi ko nagagwapuhan ang manyak na ito saad ko ng napailing iling haiiisssttt kong ano ano nalang ang naiisip ko.
"Handa natin para sa new year halika na kumain na tayo" saad niya at hinila na ako paupo sa upuan.
"Sinong nagluto ng lahat ng mga to?" tanong ko pa sa kanya.
"Ako nakita ko kasi sa telebisyon mo kong paano magluto at kong ano ang ipinagdiriwang ninyo ngayon" saad niya na ikinalaglag ng panga ko.
Ibig sabihin nakita lamang niya sa tv iyon at nakapagluto na siya ng lahat ng ito napakurap kurap ang mata ko dahil sa pahkamangha haaayyysss kelan ba ako masasanay na walang imposible sa tulad nya pero sa isang banda ay napangiti ako kasi naisip niyang magluto at mag effort para makapagcelebrate kami ng new year.
Ngumiti ako sa kanya "salamat sa pagluluto nitong pagkain natin. I really appreciate your effort sa pagluluto nitong pagkain natin. Sorry rin kong hindi ako nag abalang maghanda ngayong new year" saad ko at nakita ko namang napangiti siya at habang nakatitig ako sa ngiti niya ay bigla akong napahawak sa dibdib ko.
*dug dug dug dug dug dug*
Hindi ko alam kong anong nangyayare dito sa loob ng puso ko bigla na lamang itong tumibok ng mabilis at tila ba nagririgudon ito sa pagkabog.
"Kain na tayo" nakangiti paring saad niya kaya inayos ko ang upo ko at kumain na rin.
Nang matikman ko ang luto niya ay nasarapan ako para itong niluto ng isang professional chef napakasarap kaya sunod sunod ang naging pagsubo ko ng pagkain hindi ko alam na nakarami na pala ako ng kain ng mga hinanda niya dahil sa ninanamnam ko ang lasa ng masarap niyang luto.
Nang matapos kaming kumain ay tsaka ko lang narealize na halos maubos ko na pala ang hinanda niya kaya nakaramdam ako ng hiya.
Nagchuckle siya dahil sa reaksyon ko kaya mas lalo akong nahiya at namumula ang pisngi ko.
"Salamat naman at nagustuhan mo ang hinanda ko alam mo ba ito ang first time na nagluto ako para sa isang tao kasi doon saamin hindi kami ng nagluluto dahil isang pitik lang ng kamay namin ay makakagawa na kami ng pagkain and ngayon ko lang naranasang magluto at nagenjoy ako ng labis" nakangitig saad niya at nakatingin pa saakin.
Hindi ko alam pero parang nadarama ko ang kasiyahan ng puso niya kaya napangiti na lang rin ako feeling ko nagkakaintindihan kami ng lalaking ito siguro naman ay masusuklian ko ang kabaitan niya dahil sa pagpapasaya saakin ng mga panahong ito na sawi ako sa buhay pag ibig ko. Nakapagdesisyon na akong dito muna siya sa bahay habang hindi niya pa alam kong paano makakauwi sa planeta niya.
"Wala ka ba talagang pangalan?" tanong ko sa kanya at napailing ito nag isip ako ng pwedeng ipangalan sa kanya.
At biglang nagpop out ang isang pangalan sa utak ko.
"Okay sige bibigyan kita ng pangalan at ikaw na si Kingsley. Kingsley Jackson" saad ko at nakita ko naman na nagspark ng kulay ginto ang mata niya.
Edrianzmoe