Third person POV Sa lugar nang labanan ay nagulat ang lahat pati na ang hari at reyna na napatayo pa nang makita nilang bumagsak si Prinsipe Lithiro. Agad na bumuhos ang luha nang reyna dahil alam niya ang nangyare kay Lithiro na ngayon ay nakahandusay habang si Majiro ay humahalakhak na parang nanalo na talaga ito. "Arthuro ang anak natin" lumuluhang saad ni Reyna Amelia habang niyayakap naman ito nang asawa niyang si Haring Arthuro. Napatakip nang mga mata ang lahat pati na rin si Majiro na napatigil sa kanyang paghalakhak at napaurong mula sa nagliliwanag na katawan ni Prinsipe Lithiro. "Anong nangyayare Arthuro?" tanong nang Reyna sa Haring Arthuro habang nakatakip ang palad nila sa mga mata nila dahil hindi kinakaya nang mga mata nila na salubungin ang matinding li

