Hansel Lagman "Bitawan mo siya pare" saad ni Kingsley habang nakahawak parin sa kamay ni Winston na nakahawak din sa kamay ko. Dinuro ito ni Winston ng isang kamay niya pa "hoy shino kha bhang phakialamerho kha ha!" lasing na lasing na bulyaw niya kay Kingsley ako naman ay nanahimik lamang dahil hindi parin ako makapaniwalang ganito ang ayos ngayon ni Winston na para bang problemadong problemado diba nong huli ko itong nakausap ay ayos naman ito at masaya ito sa girlfriend niya nagbreak kaya silang dalawa ni Sofia kaya naglasing ito. "Ako ang boyfriend niya" nagulat naman ako ng sabihin ni Kingsley na boyfriend ko siya kay Winston at akmang aalma sana ako ng magsalita na si Winston. "Bhoyfriend shayo whalang bhoyfriend shi Hanshel dhiba Hanshel" tanong niya saakin habang

