Episode 52 Tulala ako ngayon habang nakasandal sa pader sa labas ng private room ni Alec. Nasa loob ngayon ang doctor niya at may mga nurse din na nakasunod sa loob. Tinawagan ko din sila Tita Rachel at papunta na sila ngayon dito. “Naime…” Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan at hindi ko mapigilang maiyak nang makita ko si Kira at si Isabelle. Mabilis akong lumapit sa dalawa at niyakap sila. Humihikbi ako ngayon habang sila naman ay pinapatahan ako. Pinaupo nila ako sa may bench at binigyan ng tubig. “Huwag ka ngang iyak ng iyak jan! baka anong mangyari sa inaanak namin eh.” Inis na sabi ni Isabelle habang pinupunasan ang aking luha. “Baka nabigla lang si Alec, girl.” Rinig kong sabi ni Kira. Hindi ako nagsalita at napatulala nalang ulit. Sana nga nabigla lang siya, sana

