Episode 56 “Sagutin mo ako, Naime! Are you pregnant?” ulit na tanong ni Alec sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya at hinay hinay na tumango. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. May tumulo din na luha sa kanyang mga mata at kitang kita ko ang saya nito. “Oh my God! Oh my God! Magiging tatay na ako.” Sigaw ni Alec at mabili akong nilapit at niyakap ng mahigpit. Napaiyak naman ako sa kanyang reaksyon nang malaman niyang buntis ako. Bumitaw siya sa yakap at napatingin kay Doc na nasa loob parin ng kanyang opisina ngayon habang nakatingin sa amin ni Alec na may gulat sa mukha. Tahimik din si Isabelle at Kira sa loob na parang naiiyak na habang nakatingin sa akin. “T-Totoo ba talaga, Doc? Buntis talaga ang girlfriend ko?” ta

