Episode 30 Pagkatapos akong maligtas nila Alec ay agad niya akong dinala sa hospital. Agad din akong nakatulog sa pagod habang papunta kami sa hospital. Pagkagising ko ay nasa isang private room na ako at si Isabelle ang una kong nakita na nasa aking tabi. Lumapit siya sa akin nang makita niya akong gising na. “Gutom ka ba, Naime? May mga pagkain sa ref.” sabi ni Isabelle. Tumango lang ako kasi hirap pa akong magsalita. Tumayo na siya at kumuha ng mga pagkain sa ref at nilagyan ng maliit na table ang aaking harapan para doon ilagay ang aking mga pagkain, at para hindi na ako tumayo. Tinulungan ako ni Isabelle na makaupo ng maayos at binuksan ang mga pagkain na nasa aking harapan. Agad din akong kumain nang mabuksan na ito ni Isabelle. Gutom na gutom na ako at hindi ko na naalala kung

