Episode 59 “Naime, pumunta ka na dito! Luto na ang hapunan.” Sabi ni Isabelle na nasa kusina ngayon. Tumayo na ako at pinatay ang Tv, at naglakad na papunta sa dining area. Nang makarating ako doon ay nandoon na si grandma habang nakaupo sa kanyang pwesto. “Halika na, apo! Kain ka na dito, mukhang masarap ang niluto ni Isabelle.” Nakangiting sabi ni grandma. “Masarap talaga ‘yan, grandshie! Hindi lang mukhang masarap.” Sabi ni Isabelle at naupo na. Napangisi nalang ako at napaupo sa aking pwesto. Dalawang buwan na ako dito sa Canada at maganda naman ang naging buhay ko dito. Nang umalis ako sa Pilipinas ay naging mahirap talaga ang pag a-adjust ko, lalo na at nasanay na ako na nasa tabi ko palagi si Alec. Pero iniisip ko nalang palagi na para din ito sa kabutihan namin ng anak namin

