Episode 33 Late na kaming nagising ni Alec nang mag umaga. Ako ang unang nagising sa aming dalawa kaya ako na ang nag luto n gaming breakfast. Hindi ko mapigilang kiligin habang iniisip ang sitwasyon namin ni Alec ngayon. Para na kaming mag asawa na bagong kasal pa lang, na unahan pa naming ang kapatid niya at si Kira na hanggang ngayon ay nasa bakasyon pa rin sa kanilang honeymoon. Nagluluto ako ngayon ng hotdog sa may kusin nang may biglang yumakap sa akin sa aking likuran. Napangisi ako nang makita ko si Alec na nakasandal sa aking balikat habang nakapikit. “Good morning, handsome.” Bati ko at mabilis siyang hinalikan sa kanyang labi. Napamulat naman siya at hinalikan ako sa aking pisngi at bumitaw na sa yakap at kumuha ng tubig na maiinom sa may ref namin. “Bakit hindi mo ako gi

